Esther Lahbati claps back at basher who criticized her work in Switzerland: “May Swiss passport ako and i can go anywhere in the world w/o visa”

Nanggagalaiti si Esther Lahbati, ina ng aktres na si Sarah Lahbati, sa isang netizen na tila minamaliit ang kanyang naging trabaho sa Switzerland.

Esther Lahbati answers basher questioning her job in Switzerland

Burado na ang komento ng netizen pero ipinagtanggol si Esther ng ilang netizens na pinapahalagahan ang naging trabaho niya sa nasabing European country.

Sa kanyang Instagram noong January 2, 2024, nag-uplaod si Esther ng mga larawan niya sa loob ng isang salon.

Tila nagpa-pamper sa sarili ang ina ni Sarah.

Sabi niya sa caption, “#Sit down and relax”

Sa comments section, may isang netizen na tila pinulaan ang kanyang naging trabaho sa Switzerland.

Hindi na makikita ang komento ng netizen, pero palaban ang sagot ni Esther sa kanya.

Ayon sa ina ni Sarah, walang masama kung naging kasambahay siya sa Switzerland.

Pagmamalaki pa niya, isa siyang Swiss passport holder, isa sa most powerful passport sa mundo.

Ibig sabihin, maaari siyang magbiyahe sa maraming bansa sa buong mundo na hindi kailangang mag-apply ng visa.

At nilinaw rin ni Esther na sa isang chocolate company sa loob ng Geneva airport siya nagtrabaho noon.

Buong sagot ni Esther, “To make it clear madam What’s wrong? kung mag trabaho ako sa bahay? marangal na trabaho yan..

“eto sasabihin ko sa iyo isara mo na lang bibig mo kung di lang maganda ang sasabihin mo nang iIstorbo ba ko sa iyo?

“may Swiss Passport ako and i can go anywhere in the world w/o visa, I can work anywhere in EUROPE OK? Ikaw ano ginagawa mo pamilya mo na lang intindihin mo.

“for your information hindi ako nag tatrabaho sa cholate fsctory may proof ako na nag trabaho ako sa Geneva International Airport sa CHOCOLATERIE sa loob ng duty free shops.”

Esther Lahbati answers basher

Naging target ng bashing ang pamilya ni Sarah mula nang ipaalam ni Annabelle Rama na hiwalay na ang aktres sa kanyang anak na si Richard Gutierrez.

May dalawang anak sina Sarah at Richard—sina Zion at Kai.