Ex-couple Julia Barretto and Joshua Garcia reunite at Mr. M’s tribute party

Ikinatuwa ng maraming netizens ang muling pagkikita ng dating makasintahang sina Julia Barretto at Joshua Garcia.

Naganap ang pagkikita ng dalawa sa surprise tribute party sa star builder na si Johnny Manahan o Mr. M noong Sabado, March 16, 2024.

Sa kumakalat na video ngayon sa social media, makikita si Julia na kausap ang dating ABS-CBN executive na si Charo Santos-Concio nang dumaan sa gilid ang ex-boyfriend ng aktres na si Joshua.

Julia Barretto, Joshua Garcia reunite at Mr. M’s tribute party

Mabilis ding huminto si Joshua para batiin ang dating nobya.

“Hi,” nakangiting bati ng aktor sabay yakap kay Julia.

Ikinatuwa ito ng ibang guests na nakakita, lalo na si Charo.

“My favorite love team. Kinikilig ako sa kanila,” sabi Charo sabay pose para magpa-picture sa dalawa.

Bukod kay Joshua, nakita rin muli ni Julia sa party para kay Mr. M ang kanyang tiyahin na si Claudine Barretto.

Namataan din si Julia na nakipagbeso at yumakap sa kapwa aktres na si Bea Alonzo, na nakaisyu noon dahil sa aktor na si Gerald Anderson.

JULIA-JOSHUA RELATIONSHIP

April 2019 nang isapubliko nina Julia at Joshua ang tungkol sa kanilang two-year relationship.

Pero pagkalipas lamang ng ilang buwan matapos nilang umamin ay tinapos na rin ng dalawa ang kanilang relasyon.

June 2019, inamin nina Julia at Joshua na may pinagdadaanan ang kanilang relasyon.

Napagdesisyunan daw nilang bumalik muna pagiging “bestest of friends” na nagsimula nang maging magka-love team sila bilang JoshLia.

Unprofessional yaarn?' Julia Barretto no-show at her own mediacon

Pero sa pagkakadawit ng pangalan ni Julia sa kontrobersiyal na hiwalayan nina Bea at Gerald, inamin mismo ni Julia noong August 6 na apat na buwan na silang hiwalay ni Joshua.

Sa panayam ni Joshua sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong May 22, 2022, sinabi niyang nananatili silang magkaibigan ni Julia sa kabila ng kanilang pinagdaanan.

Sa kasalukuyan ay boyfriend na ni Julia ang ex-boyfriend ni Bea na si Gerald.

Habang si Joshua naman ay nali-link ngayon sa Filipino-French golfer na si Emilienne Vigier.