EXpecially For You searchee Axel Cruz posts cryptic messages

Vice Ganda and EXpecially For You with Axel and Christine
It’s Showtime’s “EXpecially For You” segment last May 31, 2024 draw mixed reactions from netizens

Ilang oras bago at pagkatapos magbigay ng pahayag si Vice Ganda tungkol sa controversial “EXpecially For You” episode, sunud-sunod ang social media posts ng searchee na si Axel Cruz.

Ang “EXpecially For You” ay ang popular dating-game segment sa Kapamilya noontime show na It’s Showtime.

Dapat ay hihingi ng paumanhin si Vice kay Axel matapos umani ng batikos ng It’s Showtime host dahil sa insidenteng nangyari sa May 31, 2024 episode ng “EXpecially For You.”

Pinuna ng netizens si Vice dahil sa pagsita at “pamamahiya” kay Axel on TV matapos umano nitong nakawan ng halik ang searcher na si Christine, na hindi raw naging kumportable sa ikinilos ng male searchee.

Bilang reaksiyon, naglabas ng reaction video si Axel at sinabing hindi raw niya hinalikan si Christine, kundi nakipag-appear lang umano at nakipagdikit-balikat na tinawag niyang “bro code.”

Humingi rin siya ng sorry kung meron mang nasaktan, at kung na-misinterpret ang kanyang ginawa.

May mga kumampi kay Axel, pero na-bash din siya dahil sa wala umanong paalam na paghalik sa searcher na si Christine.

Sa hiwalay niyang reaction video, sinegundahan ni Christine ang pahayag ni Axel. Hindi raw niya naramdaman na hahalikan siya ng binata.

Pero nitong Martes, June 4, sinabi ni Vice na nakipag-ugnayan ang It’s Showtime kina Axel at Christine.

Sinabi raw ng dalaga na hindi talaga siya naging komportable sa ginawa ni Axel.

Ito ang dahilan kaya binawi ni Vice ang paghingi sana niya ng sorry kay Axel.

Tama raw ang ginawa ng host na sitahin si Axel na hindi nagpaalam na didikitan niya si Christine.

AXEL’S CRYPTIC POSTS

Mula late night ng Lunes, June 3, sunud-sunod ang Facebook posts ni Axel ng quotes na may kinalaman sa may pinagdadaanan.

Animo’y mga mensahe ito para patatagin ang loob.

Post niya ng Monday night: “Accepting the situation is the best way to move on.”

Pagsapit ng Martes, June 4, ipinagpatuloy niya ang inspiring quotes.

Una niyang post nitong hapon: “Tatagan mo pa. Dahil ikaw lang din ang nakaaalam kung paano mo kinaya.”

Axel Facebook post

Agad niyang sinundan ito ng ganito: “Lord, I’m still waiting for your beautiful plan for me.”

Huli niyang post nitong Martes ng hapon (published as is), “even at my hardest time, I was alone, so I don’t care who stays or leaves.”

Axel inspiring quote post

Ang mga comments ng netizens sa cryptic posts na ito ni Axel ay mga reactions nila sa isyu ng “Expecially For You.”

Marami sa mga komentong ito, pagpanig at pagpapahayag ng simpatya dahil sa pagkapahiya raw at bashing kay Axel matapos siyang i-call out ni Vice on television.

Bago naman ang pagpu-post ng quotes ni Axel, sunud-sunod ang pagre-repost niya ng article links ukol sa kinasangkutang isyu, kabilang na ang ulat PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Gabi rin ng Lunes, may post si Axel sa X (formerly called Twitter) ukol sa kontrobersiya.

Ipinagtanggol niya rito ang searcher na si Christine dahil sa matinding bashing.

Pakiusap ni Axel (published as is), “please stop bashing christine pinagtatangol nya lang po ako at sinasabe nya yung totoong nangyare, yung reaction nya po kasi nayon sa cam is awkward, kasi nakaupo po sya non at nakatayo ako. Mejo nahila ko sya kaya ganun naging reaction nya”

Axel tweet

Nais tumbukin ni Axel na kung nagmukha mang nailang si Christine nang bumeso siya ay dahil sa posisyon nila nang gawin ng binata ang “bro code.”

VICE GANDA’S STATEMENT

Sa ginawang statement ni Vice sa It’s Showtime nitong Martes, sinabi niyang nag-usap-usap ang bumubuo ng noontime show—hosts, production staff, at psychologists—kaugnay ng kontrobersiya.

Pinanindigan nilang sinita nila ni Axel dahil ang nakita raw nila ay hindi naging kumportable si Christine sa pagdikit sa kanya ni Axel.

“Ito ang aking paniniwala, at paniniwala din namin na hindi kinakailangang mag-apologize because what we did was right,” sabi ni Vice.

“Talagang na-off siya [Christine] at may naramdaman siyang hindi siya kumportable sa ginawa nung searchee [Axel].

“At since na-off si Christine, naniniwala ako na hindi mali na kinolout namin si Axel dahil karapatan ng isang babae na tumanggi o umalma kung para sa kanya, sa pakiwari niya ay hindi siya kumportable sa ikikilos ng sinuman sa harapan niya.”

Nagpadala ng direct message ang PEP ka

y Axel kung may gusto pa siyang idagdag na reaksiyon sa isyu, pero wala pa kaming natatanggap na sagot.

Trending din ngayong araw si Axel sa X kasunod ng statement ni Vice.

Ni-repost pa ni Axel ang screenshot ng pag-trending niya.

Caption niya, “Ano meron?”

Safe to say na aware pa rin si Axel sa isyu.

Axel trending

Sa kanyang pahayag, sinabi ni Vice na nag-reach out ang kanilang programa kina Axel at Christine at kinunan ng panig kaugnay ng isyu.

Paniniyak ni Vice, tinutulungan nila ang dalawa kasunod ng paglaki ng isyu at matinding bashing na kanilang natatanggap.

Nanawagan pa si Vice na siya na lamang ang i-bash at huwag na ang dalawa dahil hindi naman sanay ang mga ito sa matinding bashing.

Ang mga panig naman kay Axel, nagkomentong masakit pa rin daw ang panghihiyang natanggap niya sa pagsita ni Vice.

Hati pa rin ang opinyon ng netizens tungkol sa isyu.

Sa panahong may laya ang lahat magpahayag ng kani-kanilang opinyon, importanteng inuunawang mabuti ang sitwasyon at pakinggan ang magkabilang panig bago magsalita.