Francine Diaz: “Wala akong inahas, wala akong nilandi.”

“Wala akong inagaw.”

Iyan ang mariin na mensahe ni Francine Diaz patungkol sa hindi matapus-tapos na intriga sa pagitan niya at fellow Kapamilya stars na sina Andrea Brillantes at Seth Fedelin.

Naglabas ng saloobin ang batang aktres sa pamamagitan ng Facebook Live nitong Sabado ng gabi, December 23, 2023.

Si Francine ay ang pinaghihinalaang third party ng ilang fans kung bakit nagkahiwalay ang magkasintahang Andrea at Seth.

Francine Diaz on Seth Fedelin-Andrea Brillantes breakup

Matatandaang sinabi ni Andrea nung April 11, 2022, sa Facebook Live na dalawang taon sila naging mag-on ni Seth at “mutual decision” ang kanilang breakup.

Iginiit ni Francine na wala siyang kinalaman sa kung anuman ang namagitan at kinahinatnan ng relasyon ng dalawa.

Si Francine at Seth ay kasalukuyang love team partners.

“Wala akong inahas, wala akong nilandi, wala akong inagaw. Malinaw?

‘Screen record n’yo, puwede n’yong balikan. Playback n’yo. Kasi wala talaga akong inagaw,” malumanay ngunit palaban na hirit ni Francine.

Sinabi rin ni Francine na professional ang relationship nila ni Seth at “ginagawa lang namin ang trabaho namin.”

“IT’S TIME FOR ME TO SPEAK UP”

Binalikan din ni Francine ang isyu tungkol sa pagdalaw ni Seth sa kanilang bahay nung January 2022.

Matatandaang may lumabas na larawan na kung saan ay makikitang kasama ni Seth ang pamilya ni Francine; kuha ang picture sa bahay nila Francine.

Hindi umano nagustuhan ni Andrea ang nangyaring picture-taking nina Seth at Francine sa loob ng bahay ng huli.

Ikinainis ng fans ni Andrea ang picture na lumabas at inisip nila na katunayan ito na may namamagitang espesyal sa pagitan ni Francine at Seth.

Andrea Brillantes reveals past relationship with Seth Fedelin | PEP.ph

Tanong ng fans: Hindi kaya sabay na nagdiwang ng New Year sina Francine at Seth?

Sinundan pa ito ng pag-unfollow at muling pag-follow ni Andrea kay Francine sa Instagram.

May mga cryptic posts din si Andrea na tila pasaring kina Francine at Seth, kabilang ang TikTok post ng una habang nagpatugtog ng “Lose You To Love Me” ni Selena Gomez.

Paglilinaw ni Francine patungkol kay Seth, “At saka kasi, yung pagpunta niya sa bahay, yun ay para humingi ng tawad.

“Kasi alam niya, alam nila ni Blythe actually, wala akong kasalanan.”

Ang tinutukoy ni Francine na “Blythe” ay palayaw ni Andrea.

Patuloy ni Francine,”Pumunta sila sa bahay para humingi ng sorry. But si Blythe, hindi sumama. She was invited pero hindi siya sumama.”

Tanong ni Francine na may halong pagtataka, “Kaya nagulat ako kasi, bakit ako yung masama? Bakit ako na nga yung nadamay, ako pa yung naging masama sa kuwento?

“Pumunta si Seth dun para humingi ng tawad.”

Nagulat daw si Francine na “pinagpiyepiyestahan” na siya sa social media.

Dagdag pa ni Francine ukol kay Andrea, “Alam niya na hihingi ng sorry si Seth and yet ganun ginawa niya.

“Wala kayo narinig sa akin at all.

Who is Andrea Brillantes? Age Gap Between Daniel Padilla and Andrea Brillantes - News

“Nanahimik ako not because tama lahat ng sinasabi niyo sa akin, nila, nanahimik ako kasi akala ko mas magiging maayos kung tatahimik ako at wala kayo maririnig sa akin.”

Na-realize raw ni Francine na hindi nakakatulong ang pagsasawalang kibo niya sa isyu at bagkos ay lalo lamang itong lumalala dahil sa pag-usbong ng marami pang espekulasyon.

“I think it’s time for me to speak up. I know madami nagsasabi sa inyo na duwag ako, gusto ko lang matawag na ‘Unbothered Queen,’ no. Hindi ako nanahimik because gusto ko matawag ng ganun.

“Nanahimik ako kasi ayokong dumagdag sa gulo pa nangyayari noon, hanggang ngayon, ang tagal ko nanahimik, alam niyo yan hindi ako mapagpatol at hindi talaga ako papatol dahil lahat ng mga sinasabi niyo ay hindi totoo.”

Muling umingay ang intriga kina Francine, Seth, at Andrea, matapos na maghiwalay ang longtime lovers at love team partners na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Kathryn Bernardo confirms breakup with Daniel Padilla

End of KathNiel Era: A timeline of their generation’s hottest box-office love team

Sa ulat na inilabas ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ay lumalabas na may kinalaman si Andrea kung bakit nagkalabuan sina Kathryn at Daniel.

Ayon sa source ng PEP, nalaman ni Seth ang tungkol sa diumano’y namagitang fling kina Andrea at Daniel noong huling bahagi ng 2021.

Nauwi raw sa breakup ang relasyon nina Andrea at Seth matapos mahuli ng huli ang palitan ng text nina Andrea at Daniel.