Gretchen Barretto and Ruffa Gutierrez reunite after word war in 2019

Ikinatuwa ng maraming netizens na makitang magkasama sina Gretchen Barretto at Ruffa Gutierrez in one frame.

Gretchen Barretto reunites with Ruffa Gutierrez after 2019 rift

Nangyari ito sa party para sa ika-100 karaawan ni former Senate President Juan Ponce Enrile.

Sa Instagram kahapon, February 18, 2024, nagbahagi ang eventologist na si Tim Yap ng short video kung saan makikitang kasama niya sina Gretchen, Ruffa, at Small Laude.

Sa likuran nila ay makikitang nag-uusap naman ang mga negosyanteng sina Atong Ang at Alice Eduardo.

Caption ni Tim, “Last night’s reunion of La Greta, @smalllaude @iloveruffag at JPE’s 100th birthday #JPE100”

Sa comments section, nagpahayag ng kanilang kasiyahan ang ilang netizens dahil nagkaayos na raw sina Gretchen at Ruffa.

Sabi ng isa, “So glad to see them finally had patched things up. Pls po pakisabi kay Madam La Greta bumalik na siya sa social media, nakakamiss kasosyalan niya.”

Gretchen Barretto, Ruffa Gutierrez reunification

Dagdag ng isa pa, “I never saw it coming [emojis] Strong matured women forgive & forget [emojis]”

Gretchen Barretto, Ruffa Gutierrez reunification

May pumuri naman kay Tim dahil sa kanyang video lagi nakikita ang reunion ng mga may alitang artista.

Una na rito sina Heart Evangelista at Marian Rivera.

At ngayon nga ay sina Gretchen at Ruffa naman.

Ayon sa isang netizen (published as is), “Sir tim yap pur sourcr of vids of reunion of the people, na nagkaalitan before [emojis] in sir @officialtimyap we trust AMEN [emoji]”

Gretchen Barretto, Ruffa Gutierrez reunification

Papuri naman ng isa, “Ikaw na talaga Tim..from Marian & Heart..now with La Greta,Ruffa & Small.. [emojis]”

Gretchen Barretto, Ruffa Gutierrez reunification

THE SOCIAL MEDIA WAR

Taong 2019 nang sumiklab ang parinigan sa Instagram nina Gretchen at Ruffa.

Noong panahong iyon, nasa kalagitnaan ng isang giyera ang pamilya Barretto—sangkot ang magkakapatid na sina Gretchen, Marjorie, at Claudine, at ang mga pamangkin nilang sina Nicole at Julia Barretto.

Tila walang pinalampas si Gretchen sa mga komento ng netizens—ordinaryo man o celebrity—na hindi niya nagugustuhan.

Noong October 23, 2019, ibinahagi ni Gretchen sa kanyang Instagram Stories (IG Stories) ang screenshot ng larawan ni Julia na nai-post ng nakababatang Barretto sa kanyang Instagram.

Nakalagay sa caption ni Julia: “Goodmorning selfies.”

Isa sa mga nagkomento sa post na ito ni Julia ay si Ruffa.

Mensahe ni Ruffa: “Freshhhhhh (starstruck emojis)”

Hindi nakaligtas ang komentong ito ni Ruffa sa paningin ni Gretchen.

Sa post ni Gretchen sa kanyang IG Stories, binilugan niya ng pula ang komento ni Ruffa.

Pinasaringan pa ni Gretchen si Ruffa na nakikisawsaw umano.

Mensahe ni Gretchen: “sawsaw pa more

“Ruffy!! take it take it

“WOW!!”

Makalipas ang ilang minuto, nag-post si Ruffa ng cryptic message sa kanyang Instagram account, kalakip ang glamorosa niyang larawan.

Mensahe niya: “The next time they try to put you down, just remember that confidence is silent but insecurities are loud AF.”

Sinamahan niya ito ng glowing star at sparkle emojis, na may hashtags na “#HappyLife #HappyGirl #PositiveVibes”

Base sa comments section, tila alam ng mga kaibigan at followers ni Ruffa ang tungkol sa “Freshhhhhh” comment niya sa post ni Julia.

May ilan kasi sa kanila ang nagkomento ng kahalintulad na salita.

Pinayuhan naman si Ruffa ng kanyang ina na si Annabelle Rama na huwag nang pumatol dahil nagsasayang lamang daw ito ng kanyang “precious time.”

Payo ni Annabelle sa panganay na anak, “Tama, huwag mo na patulan ‘yan.

“Don’t waste your precious time! Basta mahal ka namin ng family mo, ‘yon ang importante!”

Tugon ni Ruffa sa ina, “@annabelleramaig is this really you mother dear? I love you too awwww? THANK YOU. #family”

Kusang namatay ang issue. At unti-unti na ring hindi naging aktibo sa social media si Gretchen.