Nagkaroon ng bonding time si Gwen Guck kasama si Jake Ejercito at ang kanyang pamilya bago siya bumalik sa U.S.
Si Gwen ay kapatid sa ina ni Andi Eigenmann. Pumanaw ang kanilang ina na si Jaclyn Jose noong Marso 2, 2024.
Si Gwen ay nakabase sa U.S. kung saan siya nag-aaral. Umuwi siya sa Pilipinas noong March 9 para sa inurment ng cremated remains ni Jaclyn noong March 10.
Nitong March 25, Lunes, ibinahagi ni Jake via Instagram Story ang despedida nila para kay Gwen.
“Goodbye and safe travels, Gwen & Kris!” simpleng caption ni Jake sa ipinost na picture. Tila kuha sa isang restaurant ang larawan.
Kasama sa picture si Ellie, anak ni Jake kay Andi at pamangkin ni Gwen.
Naroon din ang tita ni Gwen na si Veronica Jones, kapatid ni Jaclyn.
Kasama rin sa larawan ang kapatid ni Jake na si Jerika Ejercito at ilan pang non-showbiz people.
Bagamat ipinost ang larawan nitong Lunes, hindi tiyak kung kailan ito kuha. Naunang ini-report sa Cabinet Files na ang biyahe ni Gwen sa U.S. ay March 24, Linggo.
GWEN GUCK’S BONDING WITH SISTER ANDI
Matapos ilibing ang kanilang ina noong Marso 10, sumama muna si Gwen kay Andi sa Siargao, kung saan nakabase ngayon ang aktres kasama ang fiancé nitong si Philmar Alipayo, ang kanilang dalawang anak, at si Ellie.
Nito ring Lunes, ipinost ni Andi ang mga kuhang larawan kasama ang pamilya at kapatid na si Gwen na panandaliang nagbakasyon sa Siargao.
Sa caption ng post ni Andi, matutukoy na ipinaranas ng aktres sa nakababatang kapatid ang buhay sa isla.
Sabi ni Andi a caption, “An introduction to the island life for my (not so) little brother. It did not happen in the circumstance we had hoped for, but I’m glad to finally do this nonetheless.
“Nanay never made it, but I would like to believe she lovingly watched over us from her paradise. After all, all I can do now is to believe.”
Si Gwen ay anak ni Jaclyn sa The Dawn guitarist na si Kenneth Ilagan.
Anak naman ng yumaong aktres si Andi sa pumanaw na ring aktor na si Mark Gil.