Si Gwen ay kapatid sa ina ni Andi Eigenmann. Pumanaw ang kanilang ina na si Jaclyn Jose noong Marso 2, 2024.
Si Gwen ay nakabase sa U.S. kung saan siya nag-aaral. Umuwi siya sa Pilipinas noong March 9 para sa inurment ng cremated remains ni Jaclyn noong March 10.
Nitong March 25, Lunes, ibinahagi ni Jake via Instagram Story ang despedida nila para kay Gwen.
“Goodbye and safe travels, Gwen & Kris!” simpleng caption ni Jake sa ipinost na picture. Tila kuha sa isang restaurant ang larawan.
Kasama sa picture si Ellie, anak ni Jake kay Andi at pamangkin ni Gwen.
Naroon din ang tita ni Gwen na si Veronica Jones, kapatid ni Jaclyn.
Kasama rin sa larawan ang kapatid ni Jake na si Jerika Ejercito at ilan pang non-showbiz people.
Bagamat ipinost ang larawan nitong Lunes, hindi tiyak kung kailan ito kuha. Naunang ini-report sa Cabinet Files na ang biyahe ni Gwen sa U.S. ay March 24, Linggo.