Heart Evangelista, may paglilinaw sa kanyang post na libro: “It’s actually for Christians”

Nag-post muli si Heart Evangelista patungkol sa librong ‘Don’t Give The Enemy A Seat At Your Table.’ Aniya, ito pa rin ang kanyang pinakapaboritong libro.

Nilinaw ni Heart na ang librong ito ay para sa mga Christian at ibinahagi pa niya ang kanyang pinakapaboritong quote mula dito.

“Intimacy with God is the way to true fulfillment. How do you keep the Enemy from sitting at your table? You keep your eyes on Christ.”

Matatandaang nabigyan ng ibang kulay ang post na ito ni Heart lalo at nagkataon naman ang sinabi ni Pia Wurtzbach sa isang ad.

Ikinasal si Heart Evangelista kay Sen. Chiz Escudero sa Balesin Island Club noong February 15, 2015. Si Chiz ay may dalawang anak sa dati niyang asawa na si Christine Elizabeth Flores. Bago ang Mother’s Day 2018, ipinaalam ni Heart sa social media na siya ay buntis.

Matatandaang sa isang Instagram post ni Heart kung saan binahagi niya ang kanyang fashion style, bumuhos ang mga positibong komento. Marami ang napabilib sa talento at husay ni Heart pagdating sa kanyang pananamit. Gayunpaman, isang netizen ang nagkomento na nababaliw na daw ang aktres dahil wala itong anak. Hindi naman ito pinalampas ni Heart at hindi na nakasagot ang naturang basher matapos siyang kuyugin ng mga followers ni Heart.

Binahagi ni Heart Evangelista na nag-iipon siya para sa binabalak niyang pagbili ng tirahan sa Paris. Dahil sa kanyang trabaho lalo na sa kanyang pagdalo sa fashion week kaya niya naisipang bumili ng kanyang sariling matitirhan. Aniya, kung bibilangin ay malaki din ang ginagastos niya para sa kanyang accommodation sa tuwing pumupunta siya sa Paris. Matatandaang maraming pagkakataon na rin na naiimbitahan si Heart sa iba’t-ibang fashion events sa ibang bansa kabilang na sa sikat na sikat na Fashion Week.