Heart Evangelista on earning as a fashion influencer in Paris: “May narating ang kaartehan ko.”

Dalawampung minuto lamang ang airing time ng Fast Talk with Boy Abunda kaya hindi na naipalabas noong Biyernes, May 12, ang makukulay na kuwento ni Heart Evangelista tungkol sa mga kilalang personalidad sa fashion industry na kanyang nakilala at naging kaibigan.

Heart Evangelista

Ang French fashion designer na si Christian Louboutin, ang Hermès executive na si Michael Coste, ang Italian fashion designer na si Giambattista Valli, at Vogue editor-in-chief Anna Wintour ang ilan sa mga nakaharap ni Heart sa maraming beses na pagdalo niya sa Paris Fashion Week.

“I met so many people. I became friends with Christian Louboutin, to the point na alam ko pa yung password ng bahay niya.

“Tapos ipinagluluto niya ako ng pasta, truffle pasta. Siya mismo. Wala siyang chef, siya nagluluto, siya yung naglalagay ng truffle.

“And I’ve seen so many dreamlike experiences,” bungad ni Heart.

Sunod na inilarawan ni Heart si Michael Coste, na aniya’y isa sa mga head sa Hermès.

Kuwento ng Kapuso actress: “He’s an icon. And as an Hermès lover, he became a true friend of mine.

“Hindi ko akalain, pero ang maganda sa nakikita kong mundo is na-realize ko na hindi lahat ng tao perpekto. Yung parang standard na kailangan ganito ka.

“Nakita ko sila in person. Nakita ko yung ibang mga pinaka-successful, sila pa pala yung pinakamababait.”

Masayang inilahad pa ni Heart ang engkuwentro niya kay Giambattista Valli.

“Just recently, I had really a nice fitting with him, his team. He wasn’t there so he was on video call the whole time,” tukoy niya kay Valli.

“Parang surreal. Pero it’s a story, it’s a chapter, these whole experience na eventually, I can collate, put together and share with everyone.”

Heart Evangelista on a call with Giambattista Valli

Kumusta ang Vogue editor in chief na si Wintour?

“Si Anna Wintour. It was a breakfast. She’s very, very nice. Nakaka-shock,” ang pagbabahagi ni Heart.

Ayaw palampasin ni Heart ang mga bagong karanasan niya bilang fashion icon at influencer.

Kaya raw pinupuntahan niya ang lahat ng mga imbitasyon ng mga sikat na fashion house, kahit sabay-sabay at kinakailangan maghabol siya.

Nakakaaliw na paglalarawan ni Heart: “Takbo! Takbo! Sakit na kung sakit! A dose ng Vitamin C. Ikabit mo na yung dextrose o catheter. Kailangan makapunta tayo sa next show.

“You cannot miss it because it’s a once in lifetime. Every season is different.

“Every season is a different experience, different emotions.”

IS SHE EARNING A LOT AS A FASHION INFLUENCER?

Nang magtanong si Boy kung malaki ang kanyang kinikita bilang influencer, inamin ni Heart na profitable at na-e-enjoy din niya ang trabaho.

Paliwanag ni Heart: “Just like any business, fashion again, iisipin ng tao parang kaartehan lang.

“It’s a career and it’s profitable because it represents something which is inspiring, aspirational, empowering.”

Pero hindi lang daw basta prestige at profit ang habol ni Heart.

Aniya, “And as a voice or influencer, that’s something that I stand for, which is authenticity.

“When I collaborate with the designer, it’s not just isusuot yung damit. You have to speak with the outfit, with your own words, you have to post it, you have to do reel.”

Para kay Heart, ang Dior at ang Fendi ang mga generous na fashion house base sa kanyang mga personal na karanasan.

“House of Dior, they’re very, very supportive. Fendi is also very supportive.”

ON HER EXPENSES IN PARIS

Aminado naman si Heart na magastos din ang pagsabak sa fashion world sa Paris.

“As for me, because I am a businesswoman myself, hindi lang ako basta-basta magha-hire ng sangkatutak na tao para i-edit. I edit my vlogs. I edit my reel-time postings, lahat yan.

“Having a place in Paris, hindi siya biro. Kada punta mo, magbabayad ka ng hotel.

“Ngayon iba na because I invested sa apartment.”

Malaking kabawasan daw talaga sa gastos niya ang pagkakaroon ng tirahan pag naroon siya sa Paris.

“But aside from that, because napalitan din yung hard work ko, may narating ang kaartehan ko.

“Sponsorship na ako ng mga beautiful hotels so hindi ko na siya pinoproblema.

“Dati problema siya. ‘Ano ba ang kailangang ibenta bago ako pumunta ng Paris?'” ang natatawa at mahabang kuwento ni Heart tungkol sa buhay niya bilang fashion icon at influencer.

ON MEETING SONG HYE KYO

Nagkuwento rin si Heart tungkol sa pagkakataong nakilala niya ang South Korean superstar na si Song Hye Kyo.

Bida si Song Hye Kyo ng kakatapos na South Korean revenge series na The Glory at 2004 romcom series na Full House.

Si Heart ang lead actress sa Pinoy adaptation ng Full House na pinalabas sa GMA-7 noong 2009.

“Idol ko siya from Full House pa lang. She’s very, very nice. She’s the face of Fendi.

“Sobrang bait. I saw her at Chaumet jewelry event. At naalaala ko dati, ang daming nagpa-picture sa kanya so I didn’t wanna lose her time.

“Pero sabi, ‘Picture! Picture!’ So I stood up. And sabi niya, ‘Don’t worry, you could sit down,’ and she smiled at me.

“Two days later, I saw her at the Fendi show and she was taking her photo, and then ako yung susunod and she said, ‘It’s you again.’