Heart Evangelista replies to “gone wild” comment for showing side boob

Umani ng mixed reactions ang larawang ibinahagi ni Heart Evangelista sa social media, kung saan kita ang gilid na bahagi ng kanyang dibdib.

Heart Evangelista sexy

May mga pumuri pero marami rin ang pinuna ang Kapuso actress dahil sa larawan niyang ito.

Ang ibang netizens ay umabot pa sa pagba-body shame at paglait kay Heart.

Sa kabila ng atensiyong nakuha ng kanyang larawan, sinabi ni Heart na gusto lamang niyang maging relaxed.

Nagsimula ang lahat nang mag-post ng series of photos si Heart sa Instragram ngayong Lunes, November 6, 2023. Matutukoy na behind-the-scene photos niya ito mula sa isang pictorial na ginawa sa Paris, France.

Pero ang pumukaw ng atensiyon ng netizen ay ang first photo ng IG post.

Nakaupo sa sahig si Heart na naka-topless habang may hawak na kape na nakalagay sa tumbler.

Agaw-pansin ang side boob ni Heart na siyang pinagtuunan ng pansin ng netizens.

Mapanghusgang comment ng isang netizen: “Lols, she gone wild!!”

Sagot naman ni Heart: “at some point we gotta let our hair down [fire emoji]”

Binara rin ng supporters ni Heart ang kritiko. Anila, ine-express lang ng artistic na si Heart ang kanyang sarili.

Nagsunud-sunod na rin ang iba pang komento at sagutan ng netizens.

May mga inakusahan si Heart na peke raw ang kanyang dibdib, habang ang iba ay nag-body shame.

Pagtatanggol ng supporters ng aktres, walang pakialam ang sinuman kung anuman ang gustong gawin ni Heart sa kanyang katawan.

Wala rin silang nakikitang masama sa ginawa ni Heart dahil nga form of expression niya ito.

Ang iba naman, pinuri si Heart sa pagiging totoo niya sa sarili.

Dati nang sinagot ni Heart ang mga akusasyong dumaan siya sa cosmetic surgery.

Noong 2020, tahasang sinagot ni Heart ang tanong kung dumaan siya sa plastic surgery.

Sabi niya, “Never done anything to my face. My eyes nose etc were made by God. I swear.

“I have nothing against it in fact am for it if ikagaganda mo. I just hate the idea that some people think I’m lying.”