Herlene Budol explains context behind private convo with Rob Gomez; says, “Indi ako hayok sa laman.”

Herlene Budol: “Kung sino man naglabas na screenshot na yan ay pwede kong kasuhan.

Herlene Budol to star in new TV series - The Filipino Times

Isang mahaba-habang paliwanag ang ibinahagi ni Herlene Budol sa X (dating Twitter) ngayong gabi, December 22, 2023.

Kaugnay pa rin ito sa diumano’y private conversations nila ng aktor at kasamahan sa trabaho na si Rob Gomez.

Aminado si Herlene na apektado na ang kanyang trabaho sa mga batikos na kanyang natatanggap.

Hindi raw kasi niya kinakayang batikusin siya at akusahan nang kung anu-ano gayong hindin raw siya ganung klaseng babae.

Saad ni Herlene (published as is), “Yung tahimik lang ako at kaliwa’t kanan babad ako sa taping. Yung d ako maka focus sa trabaho dahil sa issue ng mag jowa na may anak.

“Tapos malalaman ko nakaladkad na lang pangalan ko at binabash ako na wala naman akong ginagawa.

“Opo, Squammy man ako sa paningin nyo. indi ako hayok sa laman. Produkto ako ng broken family.

“Pinalaki ako ng lolo at lola ko ng maayos.”

Nagpaliwanag din siya ukol sa salitang “kain” na medyo ilang beses nabanggit sa kanilang private conversations ni Rob.

Pero, hindi isusulat dito ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang palitan nila ng mensahe dahil sa Data Privacy Act.

Kuwento ni Herlene, “Yung batuhan ng mga script para pang kabisado sa mga linyahan ay nahaluan ng mga joke at one liner tulad ng salitang ‘kain’ ganyan na agad ang tingin nyo sa akin.

“Sunakay lang ako sa mga joke dahil Komedyante ako kht alam ko finiflirt ako.”

Sinabi din ni Herlene na marami na daw indecent proposals siyang natanggap matapos siyang sumali sa dalawang national pageants pero tinanggihan niya ang lahat ng ito.

Tila pinag-iisipan din niyang magsampa ng reklamong may kaugnayan sa Data Privacy Act, defamation, at cyber libel.

Pagtatapos niya, “Pero indi ako ganung babae sa mga binabatikos sa akin. FYI naka dalawang National pageant na ako marami nag propose ng indecent proposal sa akin ng malaking halaga.

“Pero inicip ko nasa maayos naman karera ko at gusto ko pinag hihirapan indi yung one tym big tym.

“Besides, kung sino man nag labas na screenshot na yan ay pwede kong kasuhan ng Data privacy, defamation at cyber libel.”

Không có mô tả.

Dawit din sa kontrobersiya ang dating beauty queen na si Bianca Manalo pero nagpaliwang na ito ng kanyang panig.

Kasalukuyan siyang nasa Japan nagbabakasyon kasama ang pamilya.

“No comment” naman ang sagot ni Senator Sherwin Gatchalian ukol sa isyung kinasasangkutan ng girlfriend na si Bianca.

Nauna na ring nagbigay ng pahayag si Rob ukol sa isyu.