Is Gabby Concepcion not happy with Sharon Cuneta’s IG post about him?

Sharon Cuneta and Gabby Concepcion

Nag-react si Gabby Concepcion sa Instagram post ni Sharon Cuneta tungkol sa estado ng kanilang samahan matapos ang kanilang reunion sa pamamagitan ng isang concert.

Nangyari ang muling pagsasama ng dating mag-asawa sa Dear Heart concert noong November 2023.

Muling nabuhayan ang loyal fans nina Sharon at Gabby na suportado ang kanilang teamup sa kabila ng maraming taong lumipas.

Subalit sumobra ang ibang fans dahil malinaw na nadala sila sa reunion nina Sharon at Gabbt. Patuloy pa rin silang umaasang magkakabalikan ang dalawa kahit may kanya-kanya na silang buhay.

Ito ang dahilan kung bakit nag-post sa Instagram ang Megastar nitong December 12, 2023 para manawagan sa fans at magbigay ng “reality check.”

Diin ni Sharon, “We have not been in touch since our last concert, we do not talk, text, see each other.

“We are living totally separate lives and whatever has been going on in mine, he has absolutely nothing to do with, and vice-versa.”

Nauunawaan daw ni Sharon kung marami ang naging nostalgic sa muli nilang pagsasama sa concert, “but there IS a reason why we have not gotten back together since we broke up in 1987.”

Ang tanging ugnayan na lang daw nila ni Gabby ay pagkakaroon nila ng anak—ang panganay nilang si KC Concepcion.

May makahulugan pang pahayag si Sharon tungkol sa hirap na pinagdaanan ng magkabilang kampo nila ni Gabby para matuloy lang ang kanilang concert.

Malaki raw ang isinakripisyo ng kampo ni Sharon para kay Gabby para matuloy lang ang concert.

Sabi ni Sharon, “It’s just too complicated when our parties – and we – just somehow cannot communicate and agree on certain things both work-related and not.”

“My team and I have gone above and beyond for him so that Dear Heart could be brought to you, our beloved fans.”

May post pa si Sharon na tigilan na ang pambabatikos sa kanila na dinadamay pa ang kanilang mga anak.

GABBY AND FANS REACT

Hindi nakalampas kay Gabby ang post na ito ni Sharon. Sa comments section, makahulugan din ang reaction ni Gabby.

Wala itong pahayag at gumamit lamang ng GIF — clip ito ng The Grinch, isang fictional Christmas character na hindi masaya sa Pasko.

Sa GIF, kitang nakapameywang ang Grinch at galit ang mukha.

Indikasyon ba ito na hindi masaya si Gabby sa post ni Sharon?

The Grinch

Wala nang iba pang reaksiyon si Gabby. Sa pagitan nina Sharon at Gabby, ang Megastar ang mas vocal sa pagpapahayag ng damdamin ukol sa estado ng kanilang relasyon.

Ang simpleng reaksiyon naman ni Gabby ay nagdulot ng reaksiyon mula sa kanilang fans.

Marami sa mga ito ay nagtatanong kung ano ang nangyayari sa dalawa. Anila, nalungkot at nadismaya sila dahil matapos mabuhayan ng loob sa kanilang reunion ay mayroon na naman silang hindi pagkakaunawaan.

comments
comments

comment
comment

Hindi naman na nagbigay ng iba pang reaction si Gabby.

Matatandaang sa kasagsagan ng promotion ng kanilang concert ay itina-tag pa nina Sharon at Gabby ang isa’t isa at sumasagot pa sa comment section sa Instagram post.