Is Maris Racal ready to tie the knot with Rico Blanco?

Maris Racala and Rico Blanco

Inulan ng tanong si Maris Racal kung plano na nila ng boyfriend na si Rico Blanco na magpakasal.

Sa Summer MMFF 2023 Gabi ng Parangal noong April 2, 2023, inusisa ang dalaga kung sa tunay na buhay ay malapit na siyang maging bride.

Nominadong Best Actress in a Supporting Role si Maris para sa kanyang performance sa pelikulang Here Comes the Groom.

Nagulat na sagot ni Maris, “Ay, naku po, hindi. Hahaha! May asaran between family and friends.

“But alam naman namin na hindi pa ako ready. Focus muna ako sa work.”

Hindi pa raw siya handang maging bride sa edad na 25.

“Uh, handa na akong magtrabaho, ganoon. Trabaho po muna. Career po muna talaga,” diin ni Maris.

Maya-maya pa ay napaamin din ang Kapamilya actress-singer na napag-uusapan na nila ni Rico ang tungkol sa kasal.

Aniya, “Well, ako kasi, hindi po ako nagpa-partner kung hindi ako sure sa kanya.

“So, definitely, may mga ganoong talk. Na, anong gusto ko in the future, kailan, ganyan. But hindi kami super focus doon.”

Twenty-five years ang age gap nina Maris at Rico.

Pero tila willing to wait naman ang 50-year-old singer.

Sabi ni Maris, “Actually si Rico, hindi naman siya nangpe-pressure. Hindi ko nararamdaman sa kanya yun.

“Parang hindi naman niya sinasabi. Hindi naman siya nagbibigay ng hint na gusto na niya.”

Paano kapag bigla siyang sinorpresa ng wedding proposal ni Rico?

Natawang hirit ni Maris, “E, di surprise. Hahaha!”

At what age niya feel magpakasal?

“Siguro I’ll give it… Wait, I love my career kasi. Gusto kong magtrabaho nang magtrabaho.

“So, gusto ko munang mag-focus sa career and wala yung head space ko doon.

“Ayoking magsabi ng date.”

Sabay hirit uli niya, “Uh, 20 years? Hahaha.”

MARIS’S DREAM WEDDING

Ano ang dream wedding niya?

“Hindi naman siguro sa beach,” sagot ni Maris.

“Siguro gusto ko yung wedding mismo sa San Agustin Church. Sa Manila, sa church talaga.”

Sa puntong ito ay nabanggit ni Maris ang dialogue ng character niya na si Blesilda sa Here Comes The Groom.

“Sabi nga ni Blesilda, ‘Ang wedding sa church. Ang reception, dagat.'”

May dahilan kung bakit San Agustin Church ang naisip ni Maris na wedding ceremony venue.

“Kasi nung first time kong mag-shoot doon sa church ng San Agustin, sobra akong nagandahan.

“First time ko kasi doon. Laking-Davao po kasi ako. So, hindi pa ako nakakita ng ganoon na church.

“Nung first time kong makita yun, sobrang manghang-mangha ako.”

Nangyari raw iyon noong 2015 o 2016.

“Parang ang ganda lang. Parang at the moment, ngayon. Hindi pa naman ako nagpa-finalize,” saad ni Maris.

Sabay napaisip din siya, “Pero teka lang. Bakit usapang kasal ito? Hahaha!”

Hindi pa raw alam ni Rico ang tungkol sa kanyang dream wedding.

ON RELATIONSHIP WITH RICO

Dalawang taon na rin ang relasyon nina Maris at Rico.

Hindi raw talaga balakid ang age gap nila sa kung paano sila bilang magkasintahan.

Pagbabahagi ni Maris, “Ang dami po namin kasing things in common, and marami kaming napapag-usapan like music and plans sa life.

“And sa relationship namin, it’s not just about love and all. But we also talk about the future, future plans, and especially, my career.

“He likes to support me and give me insights on what to do.”

Nilinaw rin ni Maris kung bakit hindi niya kasama si Rico sa Summer MMFF Gabi ng Parangal.

“Ano po, moment po ito ng Here Comes the Groom. And, mas masaya siguro pag kasama ko yung cast,” paliwanag niya.

“Hindi naman kailangan na, hindi ko siya pinilit na sumama sa akin. May mga moments talaga na ganun, na kanya-kanya.

“And at the moment po kasi he’s in La Union. Kasi focus po siya sa tinatayo niyang hotel and food mart din for San Juan.”