Is this Pia Wurtzbach’s answer to Heart Evangelista’s “Don’t Give The Enemy A Seat At Your Table” post?

Did Pia Wurtzbach (left) just take a swipe at Heart Evangelista’s (right) January Instagram post about “a seat at the table”? In a campaign for a beauty product, Pia said: “While others deny us a seat at the table, we’re creating our own space, paving the way for others to follow.”

PHOTO/S: COURTESY: INSTAGRAM

Pasimple bang sinagot ni Pia Wurtzbach ang Instagram post ni Heart Evangelista noong January 2024?

Ito ang statement ng Miss Universe 2015 tungkol sa “worth ng kababaihan” para sa isang campaign ng beauty brand na L’Oreal Paris:

“While others deny us a seat at the table, we’re creating our own space, paving the way for others to follow.

“Irrelevant after the crown? I fought for my place to be so much more. Sayang ba yun?”

Marami ang pumuri kay Pia dahil “powerful” daw ang mensahe ng campaign.

Pero may ilang netizens ang nakapansing tila sagot ito ni Pia sa post noon ni Heart tungkol sa librong Don’t Give The Enemy A Seat At Your Table.

Ayon sa isang netizen, “Step aside, HEART. The spotlight for HAS-BEENS is now off…it’s now time for Pia to shine!!”

Sabi naman ng isa pa, “THE SCRIPT IS SCRIPTINGGGGGG”

Pia Wurtzbach cryptic statement

Hirit naman ng isa pa, “ikaw ang tunay na may [heart emoji]”

Pia Wurtzbach cryptic statement

Sigaw ng iba pa, “Louder.”

Pia Wurtzbach cryptic statement
Pia Wurtzbach cryptic statement

HEART EVANGELISTA’S CRYPTIC POST

Usap-usapan sa social media noong huling linggo ng January 2024 ang Kapuso actress-fashionista na si Heart.

Ito’y matapos niyang i-post sa Instagram ang isang libro na nakalagay sa kanyang luxury bag.

Ang libro ay may titulong Don’t Give the Enemy a Seat at Your Table, na isinulat ng American pastor-writer na si Louie Giglio.

Kalakip nito ang makahulugang caption ni Heart: “Not Today [no-entry sign emoji].”

Ang post na ito ay nagdulot ng palaisipan sa netizens.

May ilang netizens ang iniugnay ito sa kontrobersiyal na pagharang sa glam team na ngayon ni Pia sa Ninoy Aquino International Airport—sina Justin Soriano at Jeck Aguilar, na dating glam team ni Heart.

Nakatakda sanang lumipad patungong Dubai sina Justin at Jeck noong January 22, 2024, pero hindi sila pinayagang mag-board sa flight nila sa Philippine Airlines.

Sa comments section ng IG post ni Heart ay bumuhos ang komento mula sa mga netizen na kinonekta ang makahulagang post ng aktres sa nangyari sa dati niyang glam team.

Komento ng isang netizen (published as is), “Pano makakaseat, eh di nga nakasakay ng eroplano. Hahahaha. Go go heart!!!”

Saad ng isa, “From business class to miles points [laughing in tears emoji].”

Sabi pa ng isa, “KAHIT SA AIRPLANE DAW WALA SILANG SEAT HAHAHA KIMMMY.”

“Wala tuloy sila sa window seat di pinayagan mag flight. Charot,” hirit pa ng isa.

Wala mang pangalang binanggit ang netizens, mahihinuha na ang pinapatungkulan nila ay sina Justin at Jeck, lalo na’t si Heart ang unang pinagsuspetsahan ng publiko na may kinalaman sa hindi pagpapalipad sa dalawa.

May ilang alegasyon kasing lumabas na may kasong isinampa si Heart kay Justin at Jeck, kaugnay sa umano’y “money” at “credit card issue” nila noon pang July 2023.

Mabilis naman itong nilinaw ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) nang eksklusibong makausap ni Karen AP Caliwara, executive editor ng PEP.ph, noong January 23, ang tatlong source mula sa circle nina Justin at Jeck.

Dito klinaro nilang walang hold departure order ang anumang korte sa Pilipinas laban kina Justin at Jeck.

Ang hold departure order, ayon sa elibrary.judiciary.gov.ph, ay iniisyu ng korte sa isang taong nahaharap sa “criminal cases.”

Ayon sa sources ng PEP.ph, wala raw alam na kinakaharap na kaso ang dalawa.

“Definitely wala pong hold departure order,” sabi ng isang source ng PEP.ph.