Jake Cuenca opens up about deep friendship with best friend Paulo Avelino

jake cuenca paulo avelino what's wrong with secretary kim

Jake Cuenca (left) on bestfriend Paulo Avelino (right): “Sa journey namin ni Paulo, it’s easy to say he’s my best friend talaga kasi marami na kaming pinagdaanan together. We’ve seen each other in our highest, we’ve seen each other in our lowest. One thing that never changes is our friendship.”

PHOTO/S: MELBA LLANERA / VIU

Sa dami ng kakaiba at challenging roles na nagampanan na ni Jake Cuenca, mapa-teleserye man o pelikula, aminado ang Kapamilya actor na nagdalawang-isip siya nang ialok sa kanya ang Philippine adaptation ng K-drama na What’s Wrong With Secretar Kim.

Ginagampanan niya rito ang role bilang Morpheus, kapatid ng karakter ni Paulo Avelino.

Ang What’s Wrong With Secretary Kim ay isang romantic-comedy series na napapanood sa Viu mula noong March 18, 2024.

“Second thought? At first, kasi di pa natatapos ang Iron Heart, they offered it to me right away.

“You have to understand, I was shooting a finale, nasa ibang bansa kami, pagod.

“Iba yung nararamdaman mo, yung pagod ka kasi mabibigat yung mga eksena na ginawa namin,” saad ni Jake sa panayam ng Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) kay Jake sa nakaraang intimate presscon ng aktor na ginanap sa Pandan Asian Cafe noong March 20.

Ang Iron Heart ay ang huling teleseryeng ginawa ni Jake bago ang What’s Wrong With Secretary Kim.

Ayon kay Jake, ang namayapang Dreamscape head na si Deo Edrinal ang kumumbinsi sa kanya para tanggapin ang proyekto.

Lahad ni Jake, “Nung finally nanood sila Sir Deo ng play ko that time, yung Dick Talk, nag-usap kaming dalawa. Nung siya na ang kausap ko, I said yes.

“Sabi ko nga, at first parang it’s hard to convince me. Pero yung final na nag-convince sa akin, si Sir Deo.

“And I am happy I said yes, na ginawa ko siya, kasi I owe Sir Deo a lot. I won’t be where I am if it’s not for Sir Deo.

“So, for me, I am happy and I dedicate my last performance to Sir Deo.”

jake cuenca what's wrong with secretary kim

Jake Cuenca in What’s Wrong With Secretary Kim

ON FRIENDSHIP WITH PAULO AVELINO

Kasama ni Jake sa What’s Wrong With Secretary Kim ang matalik na kaibigan niyang si Paulo Avelino.

Ayon kay Jake, masaya siyang nakatrabaho ang kaibigan at aminado siyang tagahanga siya nito pagdating sa pag-arte.

Saad niya, “Masaya, super fun. I will always be a fan of Paulo.

“For me, at the end of the day, kaibigan, best friend ko si Paulo.

“Pero you know, like I’ve said, as his best friend, I really support everything that he does.

“Galing na galing talaga ako sa kanya, I’m a fan of him.”

Very open si Jake sa pagsasabing si Paulo ang itinuturing niyang pinakamatalik na kaibigan sa industriya.

Si Paulo raw ang nakasama niya at hindi siya iniwan nito nung panahong na-involve siya sa isang insidente.

Lahad ni Jake, “Nung nangyari nga sa akin nun sa pulis, si Paulo ang kasama ko nun.

“Nung pinagbabaril yung jeep ko, si Paulo ang nandun, kasama ko nun.

“Sa journey namin ni Paulo, it’s easy to say he’s my best friend talaga kasi marami na kaming pinagdaanan together.

“We’ve seen each other in our highest, we’ve seen each other in our lowest. One thing that never changes is our friendship.”

Sabi pa ni Jake, may kalayaan ang pagkakaibigan nila ni Paulo kung saan hindi obligado ang bawat isa na magbukas ng saloobin tungkol sa mga bagay-bagay kung hindi sila handang gawin ito.

“Yeah, opposites attract,” sambit niya.

“Paulo knew everything about me, siya eventually nag-o-open siya.

“That’s the thing about me and Pau, I don’t force him to say anything if he doesn’t want to.

“Si Pau, kusa lang siya pupunta sa akin at sasabihin niya sa akin. I never tried to ask, I never try.

“That’s the thing din with our friendship, hindi kami nagmamarunong, I don’t tell him what to do, and vice versa.

“We just share our love for acting, we just share our love for each other ‘coz he’s my best friend.

“But never, ‘do this, do that.’ Hindi kami ganun, e.”

JAKE ON PAULO AND KIM

Kapareha ni Paulo sa What’sWrong With Secretary Kim si Kim Chiu, na ngayon ay nali-link sa aktor.

Sa mga kuwento ng Kapamilya actress, nabanggit nitong ngayon ay marunong nang magbato ng jokes si Paulo.

Napapansin din ba ito ni Jake sa kaibigan?

Sagot niya, “Medyo, minsan humihirit siya ng ganun sa set. Sabi ko, ‘Si Paulo ba talaga ito?’

“Subtle, hindi siya yung parang, ‘Wow, nagbago na yung tao!’ Subtle, but I can see those glimpses na sinasabi ni Kim.

“Minsan, nagsa-‘sana all’ si Paulo. Si Paulo, nagsa-‘sana all.’ Yun, one instance.”

Tinanong ng PEP.ph si Jake kung napapansin din ba niya ang closeness o sweetness nina Paulo at Kim sa kanilang taping.

“Sweetness? Kasi ako, when I work in the set, I just go out and do my work. Hindi ako yung tsika nang tsika, na tsika is more fun.

“I can see in sequences yung chemistry. Nakikita ko yung bond nilang dalawa.

“But as far, like, everything outside the set, sila na lang makakasagot nun.”

Bilang best friend ni Paulo, boto kaya si Jake kay Kim para sa kaibigan?

“Of course, they’re both my friends,” mabilis na tugon ni Jake.

“For me, kaibigan ko si Kim, kaibigan ko si Paulo.

“Hindi ko alam kung ano ang namumuo, e. But whatever their decision, whatever Paulo decides, it doesn’t matter who he is with.

“Kasi ultimately, my wish for Paulo is happiness. Sana masaya siya. If that’s his happiness, I’ll.go for it.”

ON KIM CHIU’S HEARTBREAK

Nung kasagsagan ng taping ng What’s Wrong With Secretary Kim ay napabalita ang breakup ni Kim at ng ex-boyfriend nitong si Xian Lim.

Papuri ni Jake kay Kim, hindi niya nakitang nagpaapekto si Kim sa mabigat na pinagdadaanan nito.

“Of course, she opened up to me, but I’ll just keep it to myself.

“Magkaibigan din kami ni Kim, nagkukuwento din siya sa akin. Pero at the same time, gaya ng sinabi ko kanina, she’s very professional.

“That’s why Kim Chiu is Kim Chiu. Pagdating niya sa set, hindi niya dinadala ang mga problema niya.”

WHAT’S WRONG WITH SECRETARY KIM

Isang malaking hit ang Korean version ng What’s Wrong With Secretary Kim, na pinanood at tinutukan talaga ng mga manonood.

Bilang Morpheus sa istorya, marami ang nag-aabang kung paano ang atake na gagawin ni Jake sa kanyang role na orihinal na ginampanan ng Korean actor na si Lee Tae-hwan.

lee tae hwan what's wrong with secretary kim

Lee Tae-hwan in What’s Wrong With Secretary Kim

Ayon kay Jake, “Pinanood ko yung original talaga, inaral ko siya, galing na galing ako sa original na actor.

“So, for me, parang sinundan ko yung ginawa niya, sinundan ko yung sensitivity ng mga Koreano.

“Sabi ko, if I do that, parang things will be different. Kasi sanay ang mga tao na kontrabida ako.

“Sinundan ko lang yung ginawa nung original na Korean actor, parang in-incorporate ko lang yung ibang stuff ko with it.

“But basically, parang I really follow the original. Galing na galing ako talaga sa kanya.”

JAKE CUENCA ON CHIE FILOMENO

Kahit wala pang label ang relasyon nila ni Chie Filomeno, masaya at kuntento raw si Jake sa itinatakbo ng special relationship nila ng aktres.

Ipinaliwanag ni Jake sa PEP.ph kung bakit wala pa ring label ang relasyon nila ni Chie hanggang ngayon.

“Siguro ngayon, we are enjoying what we have. What we have is special, which is very, very important to me.

“Pagdating kay Chie, I wanna take care of her, and take care of what we have.

“From my experiences, sa mga napagdaanan ko, this time around it’s much better.”

Nakita na ba niya kay Chie ang babaeng gusto niyang pakasalan at makasama panghabambuhay.

Sagot ni Jake, “I’ll be lucky too if Chie if she chooses the same thing. Suwerte ako if she chooses me, equal.

“Kung mangyari yun, she allows me to, of course I’ll be very lucky.”

May mga lumabas sa TikTok kung saan sumailalim sa lie-detector test si Jake at inamin niyang may punto noong na-in love siya kay Bea Alonzo.

Pahayag ni Jake, bata pa sila nun at ang gusto niya ngayon ay makasama sa isang proyekto ang aktres.

“Long time ago, nag-lie detector test pa ako dun. We’re so young, ang bata pa namin nun.

“Like what I always say, definitely she’s on the top of the list I want to work with.

“Sana this year or next year we can work together. Napag-uusapan namin minsan yun, we really wish for it.

“I wish her nothing but the best.”