Naglabas ng opisyal na pahayag ang singer-actor na si Janno Gibbs tungkol sa pagkalat ng unauthorized video ng imbestigasyon ng pulisya sa pagpanaw ng kanyang amang si Ronaldo Valdez noong December 17, 2023.
Ayon kay Janno, labis na ikinabigla ng kanilang pamilya ang pagpanaw ng beteranong aktor. Pero mas lalo raw silang nalungkot dahil sa hindi maayos na paghawak ng pulisya sa imbestigasyon sa bahay kung saan natagpuang wala nang buhay si Ronaldo.
Kumalat sa social media ang ilang videos kung saan kitang-kita ang bangkay ng pumanaw na aktor.
Ngayong Lunes, January 15, 2023, humarap sa media si Janno, kasama ang kanyang mga abugado, upang ipahayag ang saloobin ng kanilang pamilya sa paglapastangan ng mga awtoridad sa alaala ng kanyang ama.
Si Atty. Lorna Kapunan ang nagbasa ng opisyal na pahayag ni Janno sa ginanap na mediacon sa Club Filipino sa Greenhills, San Juan City, ngayong Lunes ng hapon.
Nakasaad dito: “The sudden death of my father Ronaldo Valdez on 17 December 2023 shocked, not just my family, but the entire showbiz industry.
“Before my family could process our grief, we faced even more pain due to the oblivious handling of the investigation by the Philippine National Police, leading to the unauthorized release of the video online detailing the investigation and the subsequent thoughtless social media posts – some sharing my private information and others circulating fake news, even outrageously suggesting that I had a part in my father’s death.
“Such negligent handling of the investigation, and the consequent media attacks against my family caused us immense emotional distress.”
Labis na kinukondena ng pamilya ni Janno ang nasabing pangyayari kaya nais nilang maglabas ng public apology ang mga sangkot sa imbestigasyon.
Dagdag sa pahayag, “We strongly denounce, in the strongest terms possible, the evident mismanagement of the investigation and mishandling of sensitive data showing apparent lapses and breaches of confidentiality on the part of the Investigation Team.
“Such reckless actions of certain individuals in leaking sensitive information are deeply alarming – not just for my family, but for society as a whole.
“We therefore demand that the PNP and the officers directly accountable for the lapses in the investigation make a public apology for the breach of trust and the trauma caused to my family.”
Sa kabila nito, nagdesisyon ang naiwang pamilya ni Ronaldo na huwag nang magsampa ng kaso laban sa mga nagsagawa ng imbestigasyon.
Umaasa umano silang gagawa ng kaukulang aksiyon ang PNP at iba pang ahensiya ng gobyerno laban sa police officers.
Saad pa sa pahayag, “To enable us to mourn and deal with the pain privately, we have decided not to pursue further legal actions against the responsible police officers.
“Nonetheless, we were informed that an ongoing investigation is underway against the erring police officers, and we remain optimistic that the PNP and the appropriate government agencies will take the necessary action against those responsible.
“We trust that the agencies and individuals overseeing the said investigation will be transparent and honest in their reports.”
Sa huli, nanawagan si Janno sa publiko na maging mapanuri sa pagbabahagi sa social media ng kahalintulad na pangyayari sa kanilang ama.
Aniya, “Finally, we encourage the public to exercise vigilance when sharing videos and posts online.
“We hope that this will also serve as a reminder to the netizens, who have duties to act responsibly online, especially so when the posts and videos affect individuals who are still in the midst of grieving.
“With this, we fervently wish that our appeal to the PNP will not fall on deaf ears, allowing us to swiftly bring an end to this regretful chapter of our lives.
“I would also like to take this opportunity to extend my gratitude to the people who, instead of immediately judging the situation, sympathized with our family for the loss of my father. Thank you.”