Janno Gibbs inilahad ang huling sandali kapiling ang amang si Ronaldo Valdez

TRIGGER WARNING: Mention of suicide

JERRY OLEA

Respectful ang mainstream media, maski ang mga taga-showbiz, sa mga personalidad o celebrity na nagpatiwakal.

Karaniwan nang hindi tuwirang binabanggit ang mga detalye sa pagpanaw bilang respeto sa pamilya at sa patay. Batid man ng malalapit sa namatay ay hindi iyon dinadalirot sa mga report o istorya.

“Dapat sana. Dapat sana,” sambit ni Janno Gibbs sa mediacon nitong Enero 15, 2023, Lunes ng hapon, sa Club Filipino ng Greenhills, San Juan City.

Sa kaso ng beteranong aktor na si Ronaldo Valdez, agad kumalat sa social media ang written statement ni Janno sa nangyari, at may video na agad ding nag-leak online. Parang circus!

Mabilis na pag-ayon ni Janno, “Yeah. Hindi niyo maiintindihan yung ano, yung naramdaman namin…

“Isipin mo, ang totoong nakakita lang nun, yung eksenang yun, was me, the driver of course, the kasambahay, and Bing.”

Si Bing Loyzaga ang misis ni Janno. Kasama ito ni Janno sa mediacon, pati ang sister na si Melissa Gibbs, at legal counsel na si Atty. Lorna Kapunan.

ronaldo valdez janno gibbs

“So you can imagine how traumatized Bing is. Kami lang ang nakakita talaga ng state niya,” sabi ni Janno tungkol sa eksenang naabutan nila nang maganap ang malagim na pagkamatay ng kanyang ama na si Ronaldo.

“Eto, hindi ko pa sinasabi sa kahit sino… but right after, so kinatok ako ng driver, ‘Daddy mo!’

“Matagal pa siyang humihinga, e. Kahit na… malagim talaga yung eksena. But I stayed with him. Na ganun yung…”

Nakausap pa niya ang ama?

Umiling si Janno, “Hindi, hindi. Yung ano lang siya, wala nang consciousness but still breathing.

“I stayed with him in that state for a good… ten, fifteen minutes bago dumating yung ambulansya saka pulis.

“Kami lang, kami lang dalawa. So, kinakausap ko siya. Si Bing umakyat sandali pero siyempre hindi niya kinayanan yun.

“Hindi niya kinaya. So yun, mabigat. So… siyempre at that time, wala sa akin dahil kahit malagim yung eksena… wala, ang concern ko is habang humihinga pa, maggu-goodbye na ako.

“Kini-kiss ko na siya. Pero after, e, siyempre nagpa-flash sa akin yung eksena, di ba?

Janno Gibbs criticized for celebrating amid dad Ronaldo's death

“May mga ganun ako na… wow! Tsaka pa lang tumatama sa yo na ganito pala yung nakita ko.

“And yung video na yun, isipin mo… sana, ako na lang ang nakakita, di ba? E, paano yung ibang pamilya namin na ayaw namang makita yun? Isipin mo, magsi-circulate yun.”

Nakipag-usap na ba si Janno Gibbs sa psychiatrist? Napakabigat kasi ng pinagdaanan nila kaugnay sa malagim na pagpanaw ni Ronaldo Valdez.

Pag-amin ni Janno, “Right now, hindi pa. But we plan to. Pero ako, I think I’m handling it pretty well.

“Because… sa tingin ko dahil… kasama ko siya araw-araw, e. So, parang wala akong regrets or ano na, ‘Sana, nasamahan ko siya, naalagaan ko siya.’

“I think that helps. Kaya wala akong hang-up kumbaga na sana. Kasi, ginawa ko lahat, e.”

Ma-“I love you’ ba sila?

“Oo, ma-‘I love you’ kami. Kami, kaming buong pamilya. Kahit sa text lang or sa ano, ‘Labyu!’ Mabeso,” sambit ni Janno.

“Mabeso kami. Ayan, si Melissa is daddy’s girl yan. Sa totoo lang, mas may mga breakdown moments yan.”

Ipapalabas na sa mga sinehan umpisa Enero 24, Miyerkules, ang pelikulang Itutumba Ka Ng Tatay Ko, kung saan bida at direktor si Janno Gibbs. May special participation dito si Ronaldo Valdez.

Idinirek dito ni Janno ang kanyang ama for the first and last time.

itutumba ka ng tatay ko

Paggunita ni Janno, “Isang memorable sa akin yung… kasi, konti lang naman ang eksena ng daddy ko, e. Towards the end na.

“So, kahit may script ako, ako ang gumawa ng story din, so binabago ko yung dialogue. Minsan completely, before the scene. Sulat ako.

“So, iniba ko talaga lahat yung buong… meron kaming ano, e, moment ng daddy ko na mahaba. Mahabang sagutan.

“So, pinabigay ko na sa kanya. ‘Sige, bigay mo na sa daddy ko yan para mapag-aralan niya.’

“Tapos pagpunta ko sa set, sabi niya… alam mo naman ang daddy ko, di ba? ‘Sinong magaling na gumawa nitong dialogue kong ito? Gaganda, ah?!’

“Tuwang-tuwa ako nun. Sabi niya, ‘Hindi! Maganda talaga! Maganda at totoong-totoo. Saka lalaking-lalaki,’ sabi niya.

“So dramatic scene siya, e. Medyo confrontation scene, ganun. Sabi niya, ‘Sinong walang hiyang gumawa nito? Maganda, ah?!’”

Kasabay ng showing ng Itutumba Ka Ng Tatay Ko ang GG The Movie, kung saan kasama rin sa cast si Tito Ronaldo.

May isa pang movie na natapos si Tito Ronaldo, kung saan bida naman ang Beks Battalion.