Jennica Garcia closes door on possible reconciliation with estranged husband Alwyn Uytingco

Jennica Garcia no plans of reconciling with husband Alwyn UytingcoJennica Garcia after breakup with Alwyn Uytingco (not in photo): “Sa totoo lang po, hindi po ako natatakot para sa sarili ko. Natatakot ako para sa kids ko po talaga. Isa po kasi na nakita ko na naging effect sa akin dahil lumaki po ako na wala yung papa ko.”

Sabay na nagpaunlak ng panayam ang mag-inang Jean Garcia at Jennica Garcia kay Karen Davila na inilabas sa YouTube channel ng ABS-CBN broadcaster kagabi, November 16, 2023.

Isa sa napag-usapan nila ay ang hiwalayan ni Jennica at asawa nitong si Alwyn Uytingco.

May dalawa silang anak na babae, sina Mori at Alessi.

Unang tinanong ni Karen si Jean kung humingi ba ang anak ng payo sa kanya bago ito tuluyang nakipaghiwalay kay Alwyn.

Saad ni Jean: “Yeah, I think na sabi ko naman yun, anak, na parang ano, ‘Kasi kung puwedeng ayusin, ayusin ninyo.’

“Pero sabi ko, inirespeto at inirespeto ko kung ano magiging desisyon mo.

“Kasi nanggaling na rin naman din ako diyan. At naiintindihan ko.

“Lalo na may mga anak ang dalawa. Sabi ko, hindi naman.

Jennica Garcia defends Alwyn Uytingco from critics: "I will NEVER say anything bad about the father of my children" | GMA Entertainment

“Sinabihan ko rin siya na hindi naman porke, kunwari, ‘Mag-decide ka maghiwalay kayo o hindi,’ sabi ko, ‘tuloy naman ang buhay mo, e,’ sabi ko. At saka, ‘Nandito ako.’”

Nais pa ba ni Jennica na maayos sana ang problema nila ni Alwyn?

Ayon sa Kapamilya actress, “Oh, not anymore, Miss Karen. Hindi na po.

“Nalaman ko na hindi ko na siya… hindi na ako magmi-make ng effort to make it work because when we separated, I already gave my all for another year.

“To, like, to try.”

Singit ni Jean, “Nagbalikan pa sila, e, para maayos.”

Dagdag ni Jennica, “And gusto ko naman ibigay din po kay Alwyn na nung bumalik naman siya, okay naman.

“Kumbaga, nakita ko naman din yung willingness niya.

“Sa totoo lang po, parang ako na po yung problema after nung one year.

“Parang, we don’t fight. We don’t. Kasi nga po, ayoko po ng conflict, di ba?

“So, hindi po ako. Pero hindi ko po napansin na sa one year pala na yun, parang nag-move on na po pala ako nang hindi ko alam.

“Kaya feeling ko po, nung sinabi ko rin sa kanya na, ‘Pasensiya ka na, ayoko na,’ feeling ko po nagulat din siya.

“Kasi para sa kanya, parang walang pinanggalingan na mismong root kasi okay naman kami.

“Ang problema, alam ko kapagka tinuloy ko pa, hindi ko makikitang enough yung sarili ko, matatakot akong tumanda.

“Yung mga ganun yung nararamdaman ko na parang…

Jennica Garcia finally ends talk about marriage to Alwyn Uytingco | PEP.ph

“Sobrang simple ko po kasi talaga na hindi po ako ma-makeup na tao pag walang trabaho, ganyan.

“Dito ko na feel na nasa bahay lang ako, pero parang kailangan ko mag-concealer ata. Yung ganun na ako mabuhay.

“Nagkataon pa na when I was married with him, I know I gave my 200 percent. Yung ganun.

“So, parang nung bumalik siya, parang nung umalis siya, binigay ko yung 200, parang wala na akong 300 na ibigay.

“Yung napi-pressure po ako, pakiramdam ko, ‘Okay, hindi enough yung nabigay ko. So, dapat magbigay ako ng bago, para hindi na siya aalis,’ parang ganun.”

FEARS AS A SINGLE MOTHER

Sa ngayon, matatawag si Jennica na isang single mother. Ano ang mga ikinakatakot niya?

Aniya, “Sa totoo lang po, hindi po ako natatakot para sa sarili ko. Natatakot ako para sa kids ko po talaga.

“Isa po kasi na nakita ko na naging effect sa akin, dahil lumaki po ako na wala yung papa ko, yung parang kapagka may lalaki po na nagsabi sa akin na mahal niya ako, hindi niya ako iiwan, niniwala po ako kaagad.

“Parang yung pinakakinakatakot ko lang po, yung baka dahil hindi lumaki yung anak ko na kasama nila yung tatay nila, baka po pag may nagsabi sa kanila nang ganun din, baka maniwala po sila kaagad.”

Si Jennica ay anak ni Jean sa dating aktor na si Jigo Garcia.

Hindi rin daw naghahanap ng bagong pag-ibig ngayon si Jennica.

Aniya, “Nagiging running joke po namin ng mga kaibigan ko yung love life, pero hindi naman po talaga ako naghahanap.

“Kasi sa naranasan ko po, kasi okay na po kahit wala na pong dumating, huwag lang po ako masasaktan nang ganun po ulit.

“Kung meron man po akong pangarap ngayon, yung mabuhay ko po yung mga anak ko na masaya po sila, mabigay ko po yung mga pangangailangan nila, at higit sa lahat, sana makahanap po sila ng asawa sa future, na hindi po sila iiwanan, yun lang po.”

Alwyn Uytingco hopes to reunite family after split with Jennica Garcia | Inquirer Entertainment

Sabi naman ni Jean, “Sobrang bumilib ako kay Jenica, kasi noong time na una nila, noong una sila nagiwalay ni Alwyn, dumating na din siya sa point na parang, nag-iisip siya, e, kung kailangan.

“Correct me if I’m wrong, anak ha, parang nag-iisip siya na parang, ‘Ayoko na talaga, Mama, pero iniisip ko pa rin my children. Kasi ayoko na, so gusto ko pa rin i-try.’ Sabi ko, ‘Decision mo.'”

Bagamat sinabi ni Jennica na hindi siya naghahanap ng bagong pag-ibig, usap-usapang nakahanap siya ng bagong lalaking mamahalin nang mag-shooting siya ng pelikulang Ma’am Chief sa South Korea.

Base sa clues na ibinigay ng mga kasamahan niya sa pelikula, ang lalaki ay Koreano at director of photography.

THE BREAKUP

Unang napag-alaman ng publiko na tila may problema ang pagsasama nina Jennica at Alwyn noong March 30, 2021 sa Cristy Ferminute ng Radyo Singko.

Noong panahong iyon, binura na ni Jennica ang mga larawan nila ng asawa sa Instagram.

Noong May 20, 2021, sa exclusive interview ng GMANetwork.com, nagpahiwatig si Jennica na hindi na buo ang kanilang pamilya.

Deklarasyon ng anak ni Jean tungkol sa sitwasyon niya noon: “From a family-of-four, we are now just a family-of-three, sacrifices must really be made.”

Sinubukan naman ni Alwyn na suyuin ang asawa.

Noong June 29, 2021, humingi ng kapatawaran si Alwyn sa kanyang mga nagawang kasalanan sa asawa.

Ikinasal sina Alwyn at Jennica noong February 2014 sa pamamagitan ng isang secret wedding.