Jennylyn Mercado, Dennis Trillo confirm jealousy was main reason behind past breakup

Binanggit niJennylyn Mercado na natuto sila ni Dennis Trillosa kanilang mga pagkakamali noong unang beses silang magkahiwalay.

Inamin ni Jennylyn na ang pagseselos ang pinakapangunahing dahilan ng first breakup nila noon ni Dennis.

Unang naging magkarelasyon sina Jennylyn at Dennis noong 2010. Subalit makalipas ang 11 months, nauwi ito sa hiwalayan.

Naging kontrobersyal pa noon ang kanilang paghihiwalay dahil napaulat sa cover story ng YES! Magazine June 2011 na nagkaroon sila ng pisikalan.

Makalipas ang tinatayang dalawang taon, nagkabalikan ang dalawa. Naging sila ulit noong January 2014.

November 2021, ikinasal ang dalawa.

Inamin ni Jennylyn sa interview sa kanila ni Karen Davila na si Dennis ang kanyang first love at hinangad na magkatuluyan sila ni Dennis.

Pero marami pa raw silang mga problema noong unang beses na naging magkarelasyon sila.

“Siyempre, may mga times na magda-doubt ka kasi ang dami niyong pinagdadaanan.

“Pero hindi mawawala sa isang relasyon, talagang may ups and downs talaga,” ani Jennylyn sa February 15, 2024 vlog ni Karen.

Pag-amin ng Kapuso actress, “Medyo magulo talaga yung relationship namin non.”

Dennnis Trillo Jennylyn Mercado

PHOTO/S: YOUTUBE (KAREN DAVILA)

Sundot ni Dennis, “Intense po yung feelings namin para sa isa’t isa, ganoon kaaga.

“Pero, siyempre, nangyari yon pareho pa siguro kaming hindi mature. So, maraming mga naging problema na hindi namin nagawan ng solusyon.

“Hindi namin napag-usapan nang maigi, kumpara ngayon na mas naging mature kami at napag-uusapan namin kahit ano kaya mas naaayos namin.”

Sundot ni Jen, “Yung mga problema namin noon na naging cause ng paghihiwalay namin noon, hindi na talaga namin inulit don sa 10 years na magkasama kami ulit. Hindi na siya naulit.”

Tinukoy ni Dennis na hindi na siya masyadong nagseselos ngayon.

“Yun yung isa sa mga napapag-awayan namin noon. Pero ngayon parang kayang-kaya na i-handle.”

Kinumpirma ni Jennylyn na “main” cause ng problema nila noon ang selos.

Sinabi ni Dennis na natuto na silang magtiwala sa isa’t isa para hindi kainin ng selos.

“Pag binigay mo lang talaga yung tiwala mo sa kanya. And hindi magpo-focus sa mga masasamang bagay na nai-imagine mo lang na hindi mo naman nakokontrol,” sabi ni Dennis.

Pagsang-ayon ni Jen, “Ganoon din ako… nagseselos, marami ring hindi pagkakaintindihan [dati].

“So, naniniwala ako na talagang kailangan pag-usapan niyo, upuan niyo, bigyan niyo ng oras yung mga bagay na hindi pagkakasunduan para malinaw.”