Kapamilya and Kapuso with similarities pair up in It’s Showtime segment

Naging interesting at entertaining ang “Karaokids” game segment sa It’s Showtime dahil sa pairings ng mga celebrity participants.

Itinambal ang It’s Showtime hosts sa Kapuso guests. At huhulaan ng mga magkakampi ang title ng songs na kakantahin ng mga bata.

Ang nakakaaliw rito ay may common denominators ang ilan sa mga pinagtambal.

Ngayong Sabado, April 6, 2024, ang launching ng ABS-CBN noontime show na It’s Showtime sa GMA-7.

FORMER GIRLFRIENDS OF OYO SOTTO

Partner ng host na si Anne Curtis ang Kapuso actress na si Nadine Samonte.

Pereho silang dating girlfriends ni Oyo Sotto.

Naging magkasintahan sina Anne at Oyo during their teenage years at noong pareho pa silang GMA-7 stars.

Nagtagal naman ng isang taon ang relasyon noon nina Nadine at Oyo, na nag-break noong 2005.

DARREN AND JILLIAN BOTH SINGLE

Ang It’s Showtime host na si Darren Espanto ay naging kakampi ni Kapuso actress Jillian Ward.

Tinanong ni Vice Ganda si Jillian kung may boyfriend ito.

“Wala po,” sagot agad ni Jillian.

Tinanong ni Vice si Darren kung may girlfriend ito.

“Wala,” sagot ng nakangiting si Darren.

Kinantiyawan ang dalawa.

Parang kinumpirma rin ni Darren niya na walang namamagitan sa kanila ng isa pang Kapuso star na si Cassy Legaspi, na parating nali-link kay Darren dati.

SANG’GRES IN SHOWTIME

Partners din ang It’s Showtime host na si Karylle at Kapuso actress na si Glaiza de Castro.

“Avisala,” bungad ni Karylle nang ipakilala sila.

“Avisala,” sagot naman ni Glaiza.

“Sang’gre, Sang’gre din kayo?” tanong ni Vice.

Sumagot ng “oo” sina Karylle at Glaiza.

Si Karylle ang gumanap na Alena sa original Encantandia sa GMA-7 noong 2005, habang si Glaiza ang gumanap na Pirena sa Kapuso remake nito noong 2016.

“Avisala,” bati rin ni Gabbi Garcia nang ipakilala silang dalawa ni Teddy Corpuz, na kalaban nina Karylle at Glaiza sa segment.

Si Gabbi ang gumanap na Alena sa 2016 Encantadia.

Sa huli, ang mag-partners na sina Mark Bautista at It’s Showtime co-host na si Amy Perez ang nanalo sa segment.