Nagbigay ng komento si Karla Estrada tungkol sa kalagayan ng anak na si Daniel Padilla.
Ang panayam kay Karla ay in-upload sa YouTube channel ng broadcast journalist na si Bernadette Sembrano.
Panimula ng actress-host:
“Yung anak ko, pinag-usapan naman ng buong daigdig iyan ano. And I always pray that he will be okay,” sagot ni Karla.
“But at the end of the day, yung question na kamusta yung anak ko, kamusta si Daniel, si Daniel lang ang tanging makakasagot ng buo nun.”
Dagdag pa ng Face To Face host, “But ako as a mother, I always pray for the best for my son, para sa mga anak ko, hindi lang kay Daniel, and I always pray na maging better sila.”
Bukod kay Daniel ay may tatlo pang anak si Karla. Ito ay sina Jose Carlito, Margaret, at Carmella.
Hiling daw ni Karla na matuto ang mga anak sa kanilang mga pagkakamali at sa mga pagsubok na pinagdadaanan at daranasin pa nila.
“Kasi kailangan mong magkamali para may matutunan ka at para mas maging maayos ka at mabuti kang tao after that.”
DANIEL PADILLA’S PUBLICIZED BREAKUP
Halos anim na buwan na ang lumlipas simula noong kumpirmahin ni Daniel at ng kanyang dating long-time girlfriend at love-team partner na si Kathryn Bernardo ang kanilang breakup.
Nag-post ng magkahiwalay na statement ang dalawa noong November 30, 2023.
Nabaling kay Daniel ang sisi sa nangyaring hiwalayan dahil diumano ay nagkaroon ito ng affair sa aktres na si Andrea Brillantes.
Bukod pa diyan ang pagdikit sa pangalan ng aktor sa iba pang mga babae, dahilan para isipin ng marami na nakikipagrelasyon ito nang palihim kahit na may girlfriend na ito.
Sa kabila ng mga batikos ay pinili ni Daniel na manahimik, samantalang namamayagpag naman ang karera at tila maging ang personal life ni Kathryn base sa nakikita ng publiko sa social media.
KARLA ESTRADA: ‘EVERYONE MAKES MISTAKES’
Bilang ina ay lagi lang daw siyang nakaalalay sa mga anak at nakikinig sa mga hinaing at saloobin ng mga ito.
“Nandito lang ako lagi sa likod ni DJ [palayaw ni Daniel] if ever tawagan niya ko at gusto niya kong makausap,” pahayag ni Karla.
“It’s an exercise for my children na hindi dapat sila agad nakatanghod sa akin tuwing meron silang problema. Kasi ang tinuro ko sa mga anak ko, puwede tayo madapa puwede tayo masaktan and just learn from it. Matuto lang tayo diyan kasi hindi puwedeng tumigil ang buhay.”
Sinabi rin ni Karla na walang perpektong tao at “lahat nagkakamali” maging ano man ang edad, estado, at katayuan nito sa buhay.
“Magsisingkuwenta na ako ngayon, hindi pa rin perfect ang buhay ko. Araw-araw may pagkakamali pa rin tayo,” himutok ni Karla.
Importante rin daw na marunong ang isang tao magpatawad para mabawasan ang bigat na dinadala nito sa puso.
Saad ni Karla, “Bago ka matulog, magpatawad ka. Humingi ka ng tawad, magpatawad ka. Ipagdasal mo yung mga taong nagagalit sa iyo.
“Sa akin pag sinabing, ‘Hindi naman totoo iyan, ba’t mo ipagdarasal?’ Minumura ka araw-araw sa social media, tinatawag ka nang ano-anu, pati mga anak mo nasasali, di ba? Hindi ko na problema yun.”
Actress Karla Estrada recently opened up about her unwavering support for her son, Daniel Padilla, emphasizing the importance of learning from life’s challenges and mistakes.
In an interview with broadcast journalist Bernadette Sembrano on Saturday, May 11, Estrada shared her thoughts on guiding her son through his journey.
Estrada acknowledged the intense public scrutiny her son faces, expressing her continuous prayers for his well-being. “‘Yung anak ko, pinagusapan ng buong daigdig. I always pray he will be okay but at the end of the day, ‘yung question na kamusta si Daniel, si Daniel lang ang tanging makakasagot nang buo n’un,” she said.
“As a mother, I always pray for the best for my son [at] para sa mga anak ko. Hindi lang kay Daniel and I always pray na maging better sila.”
She hopes that her son will learn valuable lessons from the trials he encounters, believing that mistakes are necessary for personal growth. “Sana kapag dumadaan sila ng mga pagsubok, sana maganda ang lesson. Kailangan mong magkamali para may matutunan ka, at para maging mas maayos ka at mabuting tao. Nandito lang ako lagi sa likod ni DJ if ever tawagan niya ako, gusto niya akong makausap,” she stated, referring to Daniel by his nickname.
Estrada views mistakes as essential for her children’s development, likening them to exercises that build resilience. She also stressed the importance of forgiveness and moving forward in life. “Tinuro ko sa mga anak ko, pwede kayong madapa and then just learn kasi hindi pwedeng tumigil ang buhay,” she explained. “Bago ka matulog, magpatawad ka at humingi ka ng tawad. Ipagdasal mo ‘yung mga taong nagagalit sa’yo. Every time may pagsubok ‘yung mga anak ko, I make sure na ako ‘yung pader na pwede nilang sandalan.”