KATHNIEL COMEBACK? Daniel Padilla de.let.es his brea.kup message to Kathryn Bernardo

Is Daniel Padilla trying to reconcile with Kathryn Bernardo?

Binura ni Daniel Padilla ngayong araw, December 14, 2023, ang kanyang breakup message sa ex-girlfriend na si Kathryn Bernardo.

Napansin ng mapanuring mata ng netizens na nawala ang kanyang mensahe sa Instagram noong nakaraang November 30, 2023.

Matatandaang tila tula ang madamdaming breakup message ni Daniel para kay Kathryn na may titulong “Ikaw at ako.”

Habang isinusulat ang artikulong ito, ang title na lamang ang natira sa mahaba niyang mensahe.

Ang buong mensahe ni Daniel, noong halos sabay nilang inamin sa publiko ni Kathryn ang kanilang hiwalayan ay ganito:

“11 years.

“K [sunflower emoji] D

“Pagibig.

“Sa mundo, buhay at sa limitadong oras na tayo ay nandito, isang malaking biyaya ang pagmamahal. Ang mahalin ka. At mahalin mo.

“Ang mga alaala natin ay laging kong baon sa aking puso at magiging liwanag sa mga madidilim kong araw.

“Thank you for dancing with me during my highs and thank you for singing with me during my lows.

“Our lives may drift away, but our love will still ride that tide.

“Kathniels, maraming salamat sa pagmamahal ninyo. Maraming salamat sa napakagandang pinagsamahan natin. Hinding hindi namin ipagpapalit at hindi makukumpara kahit anong pang gawin nila. Hinding hindi nila pwedeng sirain yun. This is beyond show business. Pamilya kayo at mga kaibigan. Magiging mahirap pero kailangan natin yakapin ang kinabukasan.

“I pray for us to grow, and heal.

“Bal, ang pagmamahal ko sayo ay walang hanggan at walang katapusan.”

Daniel Padilla breakup message

Samantala, nanatili namang nasa Instagram pa ni Kathryn ang kanyang breakup message.

Umaasa naman ang KathNiel, ang fans ng dalawa, na may balikang nagaganap.

Nagkasama muli sina Kathryn at Daniel sa Asia Artist Awards na ginanap ngayong gabi sa Philippine Arena sa Bulacan.

Noon lamang December 13, unang pinakita nina Kathryn at Daniel na kaya nilang makipagtrabaho sa isa’t isa sa kabila ng breakup.