Kathryn Bernardo’s sister Kaye posts lyrics of “Kar.ma” amid KathNiel brea.kup

Is Kaye Bernardo alluding to someone with her “Karma” post?

Bumuhos ang simpatiya ng netizens sa post ng nakatatandang kapatid ni Kathryn Bernardo na si Kaye Bernardo sa Facebook nitong nakaraang December 1, 2023.

Ang post ni Kaye at tila may pasaring tungkol sa karma na hango sa lyrics ng kanta ng American singer na si Taylor Swift na may titulong “Karma.”

Base sa Facebook reel na ibinahagi ni Kaye, nakasaad dito:

“Karma’s gonna track you down

Step by step from town to town

Sweet like justice, karma is a queen

Karma takes all my friends to the summit”

Kaye Bernardo post

Pinag-usapan ito ng netizens dahil baka tumutukoy ito sa totoong sanhi ng hiwalayan nina Kathryn at Daniel Padilla.

“Cheating” diumano ang dahilan kaya naghiwalay ang KathNiel matapos ang labing-isang taong relasyon.

Komento ng isang netizen sa post ni Kaye, “Hugs to you ma’am kayexalate donarber I know subrang sakit sa inyu sapagkat kapatid mu ang sinaktan.kaming mga fans niya nasaktan nang subra ! How much more pa Kaya ikaw na ate.”

Netizen's comment on Kaye Bernardo post

Dagdag ng isa pa, “Mas masakit talaga pag nakikita mong kung paano nasasaktan Ang kapatid.”

Netizen's comment on Kaye Bernardo post

THE BREAKUP

Ilang linggong pinag-usapan ang diumano’y hiwalayan ng KathNiel hanggang noong November 30, 2023, inihayag ni Kathryn sa pamamagitan ng Instagram na sarado na ang pahina ng kanilang pag-iibigan ni Daniel.

Bahagi ng pahayag ni Kathryn, “Like any other relationship, we tried our best to make it work. We’ve been drifting apart for a while now, and we ultimately had to accept that we can’t go back to where we used to be. It just won’t be fair to pretend that everything is still the same.

“These past few months have been tough, but thank you for giving us the time we need to process the pain and finally face the elephant in the room.

“Our love story began with respect and ended with respect.”

Bahagi naman ng pahayag ni Daniel tungkol sa hiwalayan nila ni Kathryn, “Ang mga alaala natin ay laging kong baon sa aking puso at magiging liwanag sa mga madidilim kong araw.

“Thank you for dancing with me during my highs and thank you for singing with me during my lows

“Our lives may drift away, but our love will still ride that tide.”

Ayon sa ABS-CBN, nirerespeto at nauunawaan ng management at Star Magic ang naging desisyon nina Kathryn at Daniel na maghiwalay na.

Hiniling din ng ABS-CBN na irespeto ang naging pahayag ng dating magkasintahan.