Kathryn sa kanyang 28th birthday celebration: “my happiest birthday to date”

Dalawang araw matapos ang kanyang aktwal na kaarawan, ibinahagi ni Kathryn Bernardo ang ilan sa mga naging kaganapan sa kanyang 28th birthday celebration na ginangap sa Palawan.

Kathryn sa kanyang 28th birthday celebration: "my happiest birthday to date"

Kathryn sa kanyang 28th birthday celebration: “my happiest birthday to date” (@bernardokath) Source: Instagram

Sa naturang video, makikita ang mga malalapit na tao kay Kathryn sa loob at labas ng showbiz.

“WHAT A DAY! Didn’t want it to end. Keeping these moments in my core memory forever,” ang bahagi ng naturang post. Nilarawan pa niya itong “happiest birthday to date.”

Ilan sa mga artistang nakitang present sa celebration na ito ni Kath ay sina Robi Domingo, Miles Ocampo, Maymay Entrata at maging sina Alden Richards at Jericho Rosales. Maging ang CEO ng ABS-CBN corporation na si Carlo Katigbak ay nakisaya sa mahalagang araw ni Kathryn.

Inulan din ng mga pagbati ang naturang post na ito Kathryn. Isa na rito ay si Maymay Entrata na masaya umanong makita na masaya ang kanyang “Hello, Love, Goodbye” co-star.

Mapapanood ang kabuuan ng video sa Instagram reel ni Kathryn.

Samantala, narito ang ilang larawang kuha mula sa video na naibahagi rin ng The Freeman.

Có thể là hình ảnh về 9 người và thuyền

Si Kathryn Bernardo ay isang aktres na unang nakilala sa mundo ng showbiz nang gumanap siya bilang ang batang Cielo sa Kapamilya teleseryeng “It Might Be You”. Kinalaunan ay naipareha siya kay Daniel Padilla at nakilala ang tambalan nila bilang “KathNiel.”

At noong Nobyembre 30 sa natapos na taong 2023, halos sabay na kinumpirma nina Kathryn at Daniel ang kanilang paghihiwalay na matagal nang naging bali-balita bago pa man ipalabas ang pelikula ni Kathryn na A Very Good Girl. Sa pamamagitan ng kani-kanilang post, naglahad ng saloobin ang dalawa upang ipaunawa lalo na sa kanilang mga fans ang parehong desiyon na mayroon pa rin umanong respeto at pagmamahal.