Katrina Halili still grieving over boyfriend Jeremy Guiab’s d.e.a.t.h

Nagluluksa pa rin hanggang ngayon si Katrina Halili, 38, sa pagpanaw ng kanyang non-showbiz boyfriend na si Jeremy Guiab.

Si Jeremy, dating vice-mayor ng Wao, Lanao del Sur, ay sumakabilang-buhay noong January 28, 2024.

Siya ay 53.

Sa panayam ni Katrina sa 24 Oras nitong Miyerkules, February 29, hindi niya napigilang maging emosyunal nang ikuwento kung paano niya hinaharap ang bawat araw na wala si Jeremy.

Katrina Halili still grieving over boyfriend Jeremy Guiab's death

“Mahirap, busy na lang sa work. Mahirap, e, pero ganun talaga,” mangiyak-ngiyak na saad ni Katrina nang kamustahin siya ng 24 Oras reporter na si Cata Tibayan.

Aminado si Katrina na kasalukuyan siyang nasa road of healing, makaraan ang isang buwan mula nang sumakabilang buhay si Jeremy.

Ngunit hindi raw ito madali para sa kanya, lalo na’t araw-araw ay nami-miss niya ang nobyo.

Saad ni Katrina, “Araw-araw [umiiyak ako]. Araw-araw bigla na lang tutulo [yung luha ko].”

Mabuti na lang daw na mayroon siyang pamilya, anak, at mga kaibigang umaalalay sa kanya sa mga araw na siya ay nalulungkot at nangungulila.

Nakadagdag din daw na abala siya sa trabaho kaya panandalian niyang nakakalimutan ang sakit at lungkot.

Katrina Halili Mourns Passing of Non-Showbiz Partner Jeremy Guiab - When In Manila

Ani Katrina, “Buti na lang busy ako, tapos yung family ko nandiyan to support me.

“Tapos may work naman ako, may mga kaibigan ako, medyo nalilibang-libang pero hindi naman mawawala [yung times] na maiiyak ka talaga.”

Sa ngayon, pinanghahawakan na lang daw ng Kapuso actress ang mga masasayang alaalang nabuo nila ni Jeremy kasama si Katie, ang anak ni Katrina sa singer na si Kris Lawrence.

Pagbabalik-tanaw ni Katrina, “Kaya mahirap kasi halos three years kaming halos magkasama [ni Jeremy].

“Magkasama kami palagi, hindi kami naghihiwalay. Sobra kasing okay yung relationship namin, e. Para kaming magkaibigan din, best friend, ganon.

“Mayroon ding tumutulong sa akin kay Katie. Sinasaway din niya yung mga ugali kong hindi maganda.

“Happy ako kasi para akong may best friend, ganon, so ang hirap tuloy na nawala.”

Sa ngayon, humuhugot na lang daw ng lakas si Katrina sa anak niyang si Katie para kahit papaano’y maka-move on siya at maging masaya ulit.

Aniya, “Kung wala akong Katie, baka nagngangangawa na lang ako.

“Kailangan kasi magpaka-strong din ako. [Kaya minsan, sinasabihan ko si Katie na], ‘Puwede ba Katie, kapag sinabi ni Mama na nami-miss ko si Tito Jeremy, puwede bang i-hug mo ako tapos sabihin mo nandito lang ako?’

“Ginawa naman niya. Dinugtungan pa nga niya na sabi niya noon, ‘Nandito lang ako, Mama, forever, I love you,’

“Naiyak na naman ako, kasi na-touch ako.”

Ayon sa ulat ng Philippine Entertainment Portal (PEP.ph), noong January 30, inatake sa puso si Jeremy sa mismong tahanan ni Katrina sa New Manila, Quezon City.

Isinugod siya ng aktres sa St. Luke’s Medical Center, Quezon City, at dito idineklara ang kanyang pagpanaw.