Kier Legaspi speaks on falling out with daughter Dani Barretto

Kier Legaspi and Dani Barretto

Sa kabila ng masalimuot na relasyon nila ng anak na si Dani Barretto, siniguro ni Kier Legaspi na bukas ang pinto niya sakaling maisipan ng anak na buksan ang komunikasyon sa pagitan nila.

Si Dani, o Aynrand Danielle, ay panganay na anak nila Marjorie Barretto at Kier.

Di kaila sa publiko na matagal na pamahon nang di nagkita ang mag-ama.

Sabi ni Kier sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Alam ninyo naman ang relationship ko kay Aynrand, that’s her real name. Matagal ng hindi…

“Basta ang relationship ko sa kanya pinasa-Diyos ko na lang. Open ang line ko, wala akong sinasarang pinto.

“One time nagkausap kami, long time ago, sabi ko, ‘I’m just here.'”

Bilang ama, alam daw niya ang responsibilidad niya sa anak.

“Yun naman talaga ang obligasyon ng Tatay, mahalin yung anak kahit na ano ang mangyari, and vice versa.

“Kahit masama o mabuti ang magulang mo, rerespetuhin mo yun at mamahalin mo.

“Kasi kung di dahil sa magulang mo, hindi kayo mabubuhay.”

Tinanong si Kier kung ano ang ugat ng problema nilang mag-ama, at umiwas nang makipag-usap sa kanya si Dani.

Sagot ni Kier, “I don’t know, I really don’t know. Basta ako ang alam ko minahal ko yan si Aynrand, inalagaan ko yan.

“I have proof, mayroon akong videos, pictures so I’m okay with that.

“Basta ako, isa akong magulang na nagmamahal sa kanyang anak.”

Ano kaya ang pagkukulang niya sa anak?

“Iniisip ko nga rin,” saad ni Kier.

Sabay lahad ni Kier: “Alam mo, two years, three years ago, she texted me and nag-usap kami sa phone. I told her, ‘I’m just here,’ pero after nun wala na.”

Ayaw daw ni Kier na ipilit ang sarili kay Dani.

“Dumating ako sa punto na, okay, basta ako nandito lang.

“Kasi wala ng logic na yung tao na continually hinahabol mo, yung tao naman na yun, tumatakbo papalayo.

“Bakit mo hinahanap ang isang tao na yung tao naman na yun, e, nagtatago?

“Walang sense. Di talaga kayo magkikita di ba?

“Kaya sinabi ko I’m just here, take your time, yun lang naman ang sa akin. Nandiyan ang social media, napakadali.

“But inspite of that lahat ng kaguluhan, mayroon akong peace sa aking heart at sa aking isip.”

Aminado si Kier na noon pa man ay “medyo magulo” na ang relasyon nila ni Dani bilang mag-ama.

Sabay katuwiran niya, “Pero never kong pinabayaan yan, and up to now mahal ko yan.”

Nagbigay siya ng financial support kay Dani?

Saad ni Kier, “Of course, pero nahinto lahat yun matagal na. Lolo na nga ako.”

ON NOT BEING INVITED TO DANI’S WEDDING

Ang tinutukoy ni Kier na “lolo” na siya ay ang pagkakaroon ng anak ni Dani at mister nitong si Xavi Panlilio, ang four years old na si Millie.

“Di ko pa nami-meet yung apo ko,” ani Kier.

Sabay dagdag niya, “I’m open to that, di naman ako yung bitter sa buhay, I’m not.”

Noong April 23, 2019 kinasal si Dani kay Xavi, pero hindi imbitado ang ama ni Dani na si Kier.

Hindi raw sumama ang loob ni Kier sa anak.

“Okay lang, well what will you do, iiyak ka? You’re gonna feel sorry for yourself? No.”

Hindi raw para kay Kier na kuwestiyunin kung paano pinalaki si Dani ng ina nito na si Marjorie.

Nanghihinayang lang daw siya sa hindi maayos na relasyon nila ng anak.

“Siguro mayroon lang akong maipapayo bilang tatay naman, kasi iba ang isip ng tatay kaysa sa nanay. I’m sure mayroon akong mako-contribute.

“Kay Dani, alam mo na I love you, nandito ako. I’m just here, you can text me anytime, walang problema.”

Hindi raw iniisip ni Kier kung ano man ang iniisip na di maganda sa kanya ng ibang tao dahil sa matagal ng falling-out nila ng anak.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

“Sabi ko nga bakit ako nakakatulog ako ng maayos, bakit nakakaharap ako sa tao? Bakit may kapayapaan ako sa aking puso?

“Kung mayroon man akong ginawang mali, bakit ganun? Bakit kaya kong sabihin sa harapan ng Diyos, alam niya kung ano ang mga pinagdaanan ko.”

“Yun ang importante sa akin, yung relationship ko sa Kanya. Hangga’t mayroon kaming relasyon, I’m okay.”

ON GRETCHEN BARRETTO DEFENDING HIM IN 2019

Noong 2019, nang maungkat ang isyu sa pagitan nina Kier at Dani, pinagtanggol si Kier ni Gretchen Barretto.

Sinabi noon ni Gretchen na sinubukan ni Kier na maging parte ito ng buhay ni Dani, pero di ito nabigyan ng pagkakataon.

“Ipinagtanggol niya ako, and I didn’t expect that. I’m grateful for that sa ginawa ni Gretchen.

“Wala namang nakakita ng mga sacrifice ko, kung paano ko minahal si Aynrand, kung paano ko siya inaruga.

“Wala namang nakakakita at hanggang ngayon wala naman akong kakampi.

“I believe ang tao biased yan, e, papaniwalaan niya ang gusto niyang paniwalaan, pero ang Diyos hindi.”

ON SIMILAR SITUATION WITH DENNIS PADILLA

Nasabi rin ni Kier na halos pareho sila ng sitwasyon ni Dennis Padilla.

Si Dennis ay dating asawa ni Marjorie, at tatlo ang anak nila na sina Julia, Claudia, at Leon.

Hindi kaila sa publiko na masalimuot ang relasyon ni Dennis sa tatlong anak at hindi consistent ang pag-uusap ng mga ito.

“Isa ako sa taong makaka-relate kay Dennis, di man 100% [the same] ang pinagdaanan namin, pero may resemblance.

“Ang masasabi ko kay Dennis, alam mo ang katotohanan, yun ang importante. Basta always do the right thing. Kung alam mo ang katotohanan, kung alam mo na tama ang ginagawa mo, taas-noo kang haharap sa tao.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

“Mayroon kang peace of mind and peace in your heart, yun ang importante.

“Always humingi ka ng tulong sa Diyos. Hanggang ngayon yun naman ang ginagawa ko.”

KIER LEGASPI AND NON-SHOWBIZ WIFE

Bukod kay Dani, may anak din si Kier sa isang non-showbiz girl.

Inamin ng aktor na paminsan-minsan ay nakakausap niya ang anak niyang iyon sa pamamagitan ng palitan ng text messages.

“Obviously, di kami nagkatuluyan nung mother niya. Pero mababait na mga bata ang mga yun.

“May kanyang-kanyang buhay na rin kasi, iba ang generation ngayon. Ayoko namang makaistorbo sa kanila.”

Sa ngayon ay may sariling pamilya si Kier.

Nakapangasawa siya ng isang babae na aniya’y isang entrepreneur.

“Sa akin naman di importante kung showbiz or non-showbiz, ang importante kung sino ang mapapangasawa mo.

“She’s very supportive, naiintindihan niya. She’s a very private wife and napakabait.

“I’m very blessed dahil nakatagpo ako ng isang mabait na asawa.”

May anak na sila ng kanyang misis?

Saad ni Kier, “Wala pang baby kasi di rin naman niya priority. She loves to travel, she loves working.

“Kung ipagkakaloob ng Diyos why not? Pero di yun ang priority namin.

“Nakikita niya ang mga friends niya na nagkaroon ng family and kids. Nag-iba yung lifestyle. Siyempre di mo na magagawa ang gusto mo.”

ON RETURNING TO TV

Balik telebisyon si Kier sa Black Rider, ang Kapuso prime-time series na pinagbibidahan ni Ruru Madrid.

Kasama rin si Kier sa pelikulang Selda Tres, na pinagbibidahan ni Cesar Montano.

Three to four years din daw siyang napahinga sa showbiz.

“Nabanggit ko kanina I burned out kasi. And pag nabe-burn out ako, yung level ng acting ko bumababa, makikita lang ng tao. Ayokong mangyari yun, so pahinga muna, nag-focus ako sa businesses.

“Before mayroon akong post-production business. Kami ng wife ko mayroon kaming food business.

“In between naman, may mga offers na dumating pero tinatanggihan ko yun kasi di pa ako handa. Parang ayoko munang umarte.

“And it comes with age, e. I’m fifty one. Parang nahirapan na ako maghintay or magpuyat…”

Bumalik daw ang sigla niya sa acting “nung nakita ko na magagandang yung mga characters na binibigay pati mga projects.”