Kiko Estrada, ayaw makatrabaho ang ex na si Heaven Peralejo?

kiko estrada heaven estrada

Hindi imposibleng pag-usapan at maging isyu ang sagot ni Kiko Estrada tungkol sa kanyang ex-girlfriend na si Heaven Peralejo nang humarap siya sa mga miyembro ng entertainment press ngayong Miyerkules ng tanghali, Mayo 22,2024.

Pareho nang contract stars ng Viva Artists Agency sina Kiko at Heaven kaya tinanong ang aktor tungkol sa posibilidad na magkapareha sila ng kanyang dating karelasyon sa mga proyekto ng Viva Films at Studio Viva.

Hindi nagdalawang-isip si Kiko na sagutin nang diretsahan ang tanong tungkol kay Heaven, na nakarelasyon niya noong 2021 pero humantong sa hiwalayan.

Mabilis na sagot ng aktor, “I don’t know. Actually, I just wish her the best, but maybe I have my own thing and she has her own thing.

“I mean, for me, it’s just work, but I don’t want any stress in my life.

“‘Coz this Lumuhod Ka sa Lupa came from peace, came from peace of mind, came from rebirth, if you wanna call it.

“A new version of yourself that you’re trying to be, a good actor.

“So let me be that first and let’s focus on the rest.”

LUMUHOD KA SA LUPA MOVES TO PRIMETIME

May kinalaman ang bagong timeslot ng Lumuhod Ka sa Lupa ang pagharap ni Kiko sa entertainment press.

Simula sa Hunyo 2, mapapanood na sa primetime slot o Todo Max ng TV5 ang drama-action series na pinagbibidahan niya.

“Lilipat na po tayo sa primetime. I am very blessed and honored to share this news with you,” sabi ni Kiko tungkol sa kanyang panghapong programa na ililipat sa panggabi na timeslot ng Kapatid Network.

“Nakakataba ng puso ang lahat ng suporta na ibinibigay ninyo sa show namin. I just want to thank everyone.”

Nalaman ni Kiko ang magandang balita tungkol sa bagong timeslot habang nasa taping siya ng Lumuhod Ka Sa Lupa noong Martes, Mayo 21.

Lahad niya: “It was yesterday. They surprised me with a letter and they got my authentic reaction and I think also everyone in the cast, everyone’s reaction.

“Ganoon ka-action packed, ganoon kagrabe yung paghahanda namin sa paglipat sa Todo Max primetime.

“For me, ang lagi naman kasi goal is to give the best out of each scenes so I always want to achieve that so I hardly distinguished if it’s getting better.

“Ang alam ko lang, mas pahirap nang pahirap ang mga action scene.”

Ipagdiriwang ni Kiko ang kanyang ika-29 kaarawan sa Hunyo.

Ang bagong timeslot ng Lumuhod Ka Sa Lupa ang isa sa mga maagang regalo na natanggap ng aktor na binigyan ng TV5 ng titulong “Prime Leading Man” ng kanyang henerasyon.