Kim Chiu and Xian Lim: A Relationship Timeline

Kinumpirma ni Kim Chiu na tinuldukan na nila ni Xian Lim ang labing-dalawang taon nilang relasyon.

Noon pa lang Nobyembre 2023 ay marami ng clues ng kanilang hiwalayan.

Nariyan ang marami-raming tukso ng mga co-host ni Kim sa It’s Showtime.

Tinanggal din ni Xian sa kanyang YouTube channel ang mga video na kasama si Kim, kaya lalong natunugan ang breakup ng couple.

Sa special report na ito ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), balikan natin ang nangyari sa kanilang mahigit isang dekadang love story.

Love Thy Woman (2020)

WHO WAS KIM BEFORE XIAN?

Nakilala si Kim nang maging Big Winner ito sa unang season ng Pinoy Big Brother: Teen Edition 1 noong 2006. Dito ay na-meet niya ang magiging unang ka-love team niya, si Gerald Anderson.

Read: #THROWBACK: Kim Chiu and Gerald Anderson’s ten-year journey as a love team

Sunud-sunod ang hit TV shows at series ni Kim at Gerald—na binansagang Kimerald—at nangyaring nagkamabutihan din sila in real life.

Naputol ito nang naging public ang kanilang hiwalayan noong 2010.

Sa panayam kay Kim noong 2015, kinumpirma nitong si Gerald ay nag-cheat kaya sila naghiwalay.

WHO was XIAN BEFORE KIM?

Unang nakilala si Xian sa larangan ng showbiz nang nagbida siya sa Katorse, ang prime-time teleseryeng pinagbidahan ni Erich Gonzales noong 2009.

Matapos nito ay nagkaroon siya ng supporting at feature roles sa iba-ibang TV shows at movies—tulad ng Rubi, ang teleseryeng pinagbidahan ni Angelica Panganiban; at Mamarazzi, ang pelikulang pinagbidahan ni Eugene Domingo.

Kim Chiu gives update on relationship with Xian Lim

2011: a new LOVE TEAM BEGINS

Noong 2011 nagsimula ang tambalan nina Kim at Xian via My Binondo Girl, isang prime-time teleserye tungkol sa buhay ng Chinese Filipinos.

Sa presscon ng serye noong April 2011, tatlong lalaking artista ang ipinakilala ng ABS-CBN bilang katambal ni Kim. Bukod kay Xian, sila ay sina Jolo Revilla at Matteo Guidicelli.

Mukhang sumugal ang Kapamilya Network na makakahanap agad ng kapalit sa nasirang Kimerald love team.

Noong una, gusto ng fans ni Kim na ipareha ang kanilang idolo kay Matteo, hanggang mabunyag na may relasyon ang Cebuanong aktor kay Maja, na kaibigan ni Kim.

Si Jolo naman ay maagang um-exit sa serye.

Dahil dito, na-develop sa romantic-comedy series ang Kim-Xian, o KimXi, tandem.

Nagustuhan ng fans ang contrast ng characters ng dalawa. Mabait at sweet ang karakter ni Kim na si Jade, habang masungit at aloof ang karakter ni Xian na si Andy.

Umere ang huling episode ng My Binondo Girl noong January 2012. Ngunit kahit natapos na ang serye ay patuloy ang bali-balitang nagkakamabutihan ang dalawang lead stars off the set.

Noong June ng 2012 ay namataan umano ang dalawang nagsisimba sa Baclaran Church. Tila family bonding dahil kasama raw nila ang ate ni Kim.

Sa panayam ng PEP.ph sa aktor noong July 2012, kinumpirma nitong nanliligaw siya kay Kim. Sinusuyo raw niya ang pamilya ng dalaga.

“Ang masasabi ko sa kanila,” sabi ni Xian, “mabuti naman akong tao, wala naman akong ginagawang masama. Sana they take time na mas makilala pa nila ako nang mas mabuti.”

Noong October, nagsimula naman ang pangalawang teleseryeng pagtatambalan ng dalawa. Ito ay ang Ina, Kapatid, Anak, isang family drama.

Natuwa naman ang fans noong 2013 nang malaman ang development ng love team na KimXi.

Sa July 2013 episode ng Kris TV, ang dating morning talk show ni Kris Aquino, inamin ng dalawa na may exclusivity na ang kanilang dating life kahit wala pa silang label dito.

Kuwento ni Xian, “Sinabi kasi namin, when people ask us, it’s unfair to even put a label on it. It’s more of nandito kami para sa isa’t isa.”

Sinagot siya ni Kris ng tanong: “Obviously, you’re exclusive?”

“Puwede na,” ang maikling sagot ni Kim.

Pagdating ng dulo ng taon, pinakamalapit na kaibigan na ang turingan nila sa isa’t isa.

Sa presscon ng pelikula nilang Bride for Rent noong December 2013, “special friends” ang sagot nila nang tanungin ng showbiz press tungkol sa kanilang relationship status.

Pag-ilag pa ni Kim sa tanong, “We don’t owe you any of our personal lives siguro.”

Paliwanang ni Xian, “I don’t think this is the perfect time kung ano na talaga yung nangyayari. In time… we won’t be selfish about it. We will be more than happy to share it.”

2015: WHO IS MR. RIGHT?

Noong April 2015 naman ay sumikat ang kanta ni Kim na pinamagatang “Mr. Right.” Marami ang natuwa sa lyrics nitong, “Ikaw nga ba si Mr. Right? Ikaw nga ba love of my life? Ikaw nga ba ang icing sa ibabaw ng cupcake ko?”

Dahil dito ay tinanong ng fans si Kim kung si Xian nga ba ang inspirasyon sa likod ng kanta.

“Sana siya na si Mr. Right,” simpleng sagot ni Kim. “Alam naman natin kung sino ang pinakamalapit sa akin ngayon.”

Sinagot ni Xian ang ganoon ring tanong sa presscon nito ng isang shoe endorsement.

Siya nga ba si Mr. Right? Ang makahulugan nitong tugon, “Feeling ko naman kung nasasabi naman niya na ako si Mr. Right, parang feel na feel ko din naman yon.”

A screenshot from the music video of Kim’s “Mr. Right” PHOTO: Screengrab from ABS-CBN Star Music YouTube

Noong 2016 ay ipinalabas ang pangatlong teleseryeng pinagbidahan ng KimXi tandem. Ito ang The Story of Us, na sa prime-time block pa rin ipinalabas.

Ang romance drama ay nagsimulang umere noong February 2016.

Sa presscon ng naturang serye ay hindi pa rin binigyan ng dalawa ng label ang kanilang relasyon, ngunit tahasang umamin si Xian.

“Nagmamahalan po kami ni Kim,” pahayag ng makisig na aktor, na ikinatuwa ng fans.

Umiiwas lamang daw si Xian sa problema kaya’t ayaw aminin ang real score.

“Sinasabi ko naman na hindi ako takot sabihin na mahal na mahal ko si Kim. Pero at the same time po, kapag sinabi natin sa lahat, baka magkaroon ng komplikasyon.

“Meron naman pong proper time and proper place para sabihin kung ano man ang relationship namin.”

Isa ring highlight ng taong iyon ay ang proposal ni Xian kay Kim na maging magka-date sila sa Star Magic Ball noong Oktubre ng 2016.

Nagtungo si Xian sa bahay ni Kim na may dalang banner na nakasaad ang mga katagang: “Will you be my date?”

PHOTO: @chinitaprincess Instagram

2017: BREAKUP RUMORS

Noong 2017 unang lumitaw ang alingasngas na may hiwalayang nagaganap sa KimXi.

Napansin kasi ng fans na hindi na naging showy si Xian sa pag-imbita kay Kim sa Star Magic Ball nang taong iyon.

Nawala na raw ang mga paandar, di katulad noong mga nakaraang taon. Lumalabas ding may mga di sila pagkakaintindihan dahil sa kani-kanilang busy schedules.

Ngunit pinutol ng beautiful couple ang tsismis nang sabay silang dumating sa ball.

Paliwanag ni Kim, “Ilang years na ring may paandar, so parang siguro ‘bigay mo na sa mga teenagers yung ganon.

“Yung mga bagets nga ngayon, paandar silang lahat. Ang cute tignan ng mga bata.”

Sa simula naman ng 2018 ay patuloy na nagpakita ng sweetness sa publiko ang KimXi tandem. Shinare pa nila sa fans ang mga larawan at video ng trip nila sa Europe.

Binisita ng dalawa ang Denmark, Finland, at Sweden noong dumaang 2017 holiday season.

Sa isang video na pinost ni Xian sa Instagram, makikitang hinalikan niya pa si Kim sa noo.

Bago matapos ang 2018 ay lumabas na ang totoong status ng dalawa, dahil napaamin si Kim sa panayam nito kay Boy Abunda.

“You and Xian, are you officially together?” diretsong tanong ng beteranong TV host sa programa niyang Tonight with Boy Abunda noong November 2018.

“Oo naman, yes, Tito Boy,” pag-amin ng aktres.

2019: FINALLY OPEN AND HONEST

Natuwa naman si Xian na matapos ng maraming taon ay maaari na nilang ikuwento sa publiko ang totoo sa kanila ni Kim.

“Ang sarap sabihin,” sabi ni Xian sa guesting niya sa Magandang Buhay noong January 2019.

“I just wanted to share, kasi it feels good na, after so many years, okay lang po kami. Masaya lang po. Ang saya lang. We’re just enjoying everything right now.”

Pagpapatuloy ni Xian, nahirapan siyang umamin dahil ayaw niyang may masabing ginagamit niya ang mas pamosang nobya para sa kanyang career.

“Sabi ko nga nung una pa lang kami ni Kim, ‘Kasalanan ba ‘tong nararamdaman ko para sa ‘yo?’

“Sinasabi nila, ‘Yang si Xian, ginagamit lang ang pangalan’ or ‘Ginagamit lang ‘yan para magkaroon ng role or something,’ something like that.”

PHOTO: @chinitaprincess Instagram

2020: XIAN STANDS BY KIM

Sa kasagsagan ng pandemya noong May 8, 2020, matatandaang nasangkot sa matinding batikos si Kim dahil sa kanyang pahayag na, “Sa classroom, may batas. Bawal lumabas.”

Sinabi iyon ni Kim sa online protest ng ilang Kapamilya stars dahil sa pagpapasara ng National Telecommunications Commission sa ABS-CBN.

Ikinumpara ni Kim ang pagpapasara ng NTC sa ABS-CBN sa rules na pinaiiral sa school, ngunit dahil hindi niya masyadong naipaliwanag ang kanyang punto, umani ang aktres ng batikos at pang-aalipusta.

To the rescue si Xian.

Bahagi ng Instagram post ni Xian noong May 12, 2020: “Kim does not deserve to be singled out and get all the hate she is getting from people in the internet.

“She is a smart, empathetic person who deeply cares for all the people around her. She cares so much that it scares me.

“We are not perfect. No one is. We have our share of mishaps that shake us down to the ground but we learn and we rise back up again.

“My love and support goes out to Kim for being a wonderful human being.”

Ilang buwan matapos ng isyu, inamin ni Kim sa isang panayam na si Xian ang naging kanlungan niya nang mga panahong siya ay naba-bash.

2021: HOW THEY BECAME OFFICIAL

Noong 2021 ay ikinuwento ng KimXi sa isang vlog ang simula ng kanilang romantic relationship.

Sabi ni Xian, nakaramdam siya ng “spark” nang magtambal sila sa My Binondo Girl.

Dagdag ni Kim, “Doon na nag-start and, ‘yon, the rest is history.”

Kuwento pa ni Kim, isang taon umanong nanligaw si Xian. “One and a half. Basta nag-one year din kaming ano,” sabi ni Kim. “Kasi, siyempre, para sure. Ayoko namang makipaglaro sa feelings ko, ‘di ba?”

Ngunit kailan sinagot ni Kim si Xian? Hindi na raw nila maalala, pati na kung saan ito nangyari.

Nag-attempt si Xian: “Kasi ‘di ba tinanong talaga kita. Very traditional tayo. Tinanong talaga kita, ‘Kim, will you be my girlfriend?’ Either sa car or doon sa may pool area.”

Nagbahagi pa ang couple ng litrato mula noong unang naging sila.

PHOTO: Xian Lim YouTube

Hanggang sa ngayong 2023 ay umugong muli ang bali-balitang may hiwalayang naganap sa KimXi tandem.

Malamang ay nagsimula ang usap-usapan noong November 2023, dahil binibiro-biro na nga si Kim ng co-hosts sa It’s Showtime tungkol sa relationship problems.

May usap-usapan ding nagkamabutihan umano sina Kim at Paulo Avelino, na nagkatambal sa seryeng Linlang para sa Amazon Prime.

Nakasabay din nito ang bali-balitang naghiwalay na sina Paulo at Janine Gutierrez, na na-link nang nagkatambal sa nakakaaliw na seryeng Marry Me, Marry You. At may bulong-bulungan nang nagpapakita ng interes si Paulo kay Kim.Noong nakaraang linggo nga ay tinanggal na ni Xian ang mga video ni Kim sa kanyang YouTube channel.