Kim Chiu: “Ang love life ko ay naka-hang ngayon.”

Maricel Soriano asks Kim Chiu: “Kumusta daw ang love life mo?”

Did Kim Chiu and Xian Break Up? Check Kim Chiu and Xian Lim Relationship Status - News

May sagot na ang Kapamilya actress na si Kim Chiu sa mga nagtatanong sa tunay na estado ng relasyon nila ng nobyong si Xian Lim.

Ito’y sa gitna ng balita-balitang hiwalay na sila ni Xian.

Tampok si Kim sa latest YouTube vlog ni Maricel Soriano na in-upload noong December 16, 2023, kung saan dito ay nag-ala nanny si Maricel sa Kapamilya TV host-actress habang ito’y nasa It’s Showtime.

Dito na rin natiyempuhan ni Maricel na tanungin si Kim tungkol sa kanyang buhay pag-ibig.

Tanong ng premyadong actress kay Kim: “Ang dami-daming nagbubulungan. Kumusta daw ang love life mo? Hindi naman ako makasagot kasi hindi naman ako ikaw.”

Mahihinuhang ang pinatutungkulan ni Maricel ay ang kasalukuyang estado sa relasyon nina Kim at Xian.

Kita naman sa mukha ni Kim ang pakabigla sa diretsahang tanong sa kanya ni Maricel.

“Sino naman ang nagtatanong sa yo?” balik na tanong ni Kim kay Maricel.

Sagot ng tinaguriang Diamond Star, “Mga fans mo, ‘Day, nagtatanong sila kung kumusta na raw ang love life mo.”

Humalakhak muna si Kim bago ito sumagot.

Aniya, “Ang love life ko ngayon ay ano…

“Ang love life ko ay naka-hang ngayon.”

Hirit sa kanya ni Maricel, “Parang telepono, ‘Day, naka-hang?”

Pagsang-ayon ni Kim, “Oo.”

Matapos sumagot ay tila iniwas na ni Kim na mapag-usapan pa ang tungkol dito at bigla niyang inayang kumain si Maricel.

KIM-XIAN RUMORED BREAKUP

Xian Lim On His Relationship With Kim Chiu

Ilang linggo nang usap-usapan ang tunay na estado ng relasyon ngayon nina Kim at Xian.

Nagsimula ito nang napansin ng kanilang fans na hindi na sila madalas magkasama at nananatiling tikom ang bibig ng dalawa.

Sa isang interview noong November 27, tinanong si Kim tungkol sa estado ng relasyon nila ng boyfriend.

“Grabe, sa amin na lang muna yon. We’ll just keep it to ourselves na muna,” sagot ni Kim.

Mas lalo pang nagliyab ang suspetsang hiwalay na sila nang tuluyang burahin ni Xian ang lahat ng kanyang vlogs sa YouTube, kabilang na ang videos kasama ang long-time girlfriend niyang si Kim noong December 12.

Marami-rami ring pinagsamahang vlogs ang dalawa mula nang maging sila may labindalawang taon na ang nakararaan.

Habang sa YouTube naman ni Kim ay naroon pa rin ang vlogs nila ng boyfriend.

Kasabay ng pagbura ni Xian ng videos nila ni Kim ay ang pagbibigay payo at mensahe naman ni Vice Ganda tungkol sa kahalagan ni Kim bilang karelasyon.

Sa bagong segment ng Kapamilya noontime show na “Expecially For You” noong December 12, naganap ang biruan ng It’s Showtime hosts hanggang sa mabaling sila kay Kim.

“Anong oras ba JS niyo? Ihahatid kita,” hirit ni Vice kay Kim dahil sa suot nitong black-and-white dress noong araw na iyon.

Sinegundahan naman ito ni Anne Curtis nang sabihing maganda at bagay kay Kim ang suot nitong damit.

Ani Anne, “Ang ganda-ganda kaya niya, oh. Ang dami-dami niyang ribbon.”

Mabilis naman itong sinang-ayunan ni Vice.

Aniya, “Oo, maganda talaga to.”

Sabay harap kay Kim para sabihing mabuti ang puso ng aktres kaya deserve nitong mahalin.

Mensahe ni Vice kay Kim, “Maganda ka, mabuti kang tao, maganda ang mukha mo, maganda ang puso mo.

“You deserve the best, you deserve love,” dagdag pa ni Vice, sabay yakap kay Kim.

Napangiti naman si Kim sa sinabi ni Vice at hindi na nakapagsalita pa.

Hindi ito ang unang beses na pahagingan ni Vice si Kim.

Noong December 4, sentro rin si Kim ng panunukso ni Vice sa It’s Showtime nang mapag-usapan nila noon ang tungkol sa paghahangad ng tagumpay ng isang tao para sa kanyang dating karelasyon.

Unang tinanong ni Vice Ganda ang co-host na si Vhong Navarro.

“Pag successful ka na, gusto mo maligaya rin ang ex mo, successful para pareho kayo,” sagot ni Vhong.

Tinanong din ni Vice si Karylle, na halatang umiwas.

Sabay sabi ni Vice, “Yun naman ang dapat. We should always wish the best for everybody.”

Sa puntong iyon ay ibinaling ni Vice ang atensiyon kay Kim.

Dinig ang reaction ng audience at pati ang co-hosts.

Pagpapatuloy ni Vice sa tanong kay Kim kung totoong kapag ex mo na ay wala nang nararamdamang concern.

Sumagot si Kim: “Totoo naman ang kasabihang, ‘I wish you the best,’ kahit di mo birthday, di ba? O, di ba, ‘Happy birthday, I wish you all the best in life.’

“Kahit walang okasyon, gusto mo yung best para sa tao.”

Hindi roon nagtapos ang panunukso ni Vice.

“Kailan mo huling nasabi yan na, ‘I wish you the best’?”

Malakas na tawa ang reaksiyon ni Kim.

“Kanina lang nung nag-birthday greeting ako,” birong sagot niya kasabay ng tawa.