Kim Chiu denies brea.kup ru.mors with Xian Lim

Kim Chiu denies breakup rumors with Xian Lim

Mariing pinabulaanan ng Kapamilya TV host-actress na si Kim Chiu ang haka-hakang hiwalay na sila ng nobyong si Xian Lim.

Ito’y bunsod ng hinala ng netizens na nagtapos ang relasyon ng dalawa dahil hindi na sila madalas nakikitang magkasama, lalo na nitong mga nagdaang linggong nagbakasyong solo si Kim sa California, USA.

Nakapanayam ng entertainment press si Kim sa thanksgiving mediacon ng Linlang, ang Prime Video series na pinabibidahan niya, noong October 31, 2023, kung saan dito ay nausisa siya sa estado ng relasyon nila ni Xian.

“Okay naman kami ni Xi [palayaw ni Xian],” maikling sagot ni Kim.

Sundot na tanong ng isang reporter, “Very strong?”

“Oo,” pagsang-ayon ni Kim.

Dagdag pa niya, “Mapanlinlang ang showbiz, pero maayos naman po [kami].

“Masaya naman po.”

Hindi ito ang unang pagkakataong naintriga sina Kim at Xian tungkol sa kanilang relasyon.

Noong July 2017, napabalitang naghiwalay na rin sila ngunit mabilis itong pinabulaanan ni Xian.

Sabi noon ni Xian, “No, it’s not true.

“When I first heard it, sabi ko, ‘Saan nanggaling yan?’

“There’s a couple of statements na sabi nga ganito’t ganyan, naghiwalay na sila…

“But, me and Kim, we’re fine. We were surprised about that issue.”

Samantala, sa ulat ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong July 10, 2023, natanong din si Kim kung handa na ba siyang mag-level up kung sakali sa kanilang relasyon ng boyfriend na si Xian.

Sagot ni Kim, “Darating tayo diyan. Sabi ko nga, time management is the key…

“So, parang let’s do it in one day at a time, right time, right place.”