Kim Chiu gets candid about finding “the one” after breakup with Xian Lim

Time first muna ang Kapamilya actress na si Kim Chiu sa paghahanap ng bagong pag-ibig.

Ito’y matapos magwakas ang labindalawang taong relasyon nila ni Xian Lim.

Noong December 23, 2023, magkasunod na nag-post sa social media sina Kim at Xian para kumpirmahin sa publiko na break na sila.

Read:

Kim Chiu confirms breakup with Xian Lim: “Sometimes love is not enough.” Xian Lim posts breakup message for Kim Chiu

Kim Chiu gets candid about finding the one

Ngunit bago ang kanilang pag-amin, ilang buwan ding usap-usapan ang estado ng kanilang relasyon matapos mapansin ng KimXi supporters na madalas na silang hindi nagkakasama.

Read: Kim Chiu and Xian Lim: A Relationship Timeline

Sa ekslusibong panayam ng ABS-CBN kay Kim nitong Lunes, January 23, 2024, saktong isang buwan matapos nilang aminin ni Xian sa publiko na hiwalay na sila, natanong si Kim tungkol sa sunud-sunod na proyekto at tagumpay sa kanyang showbiz career.

Read: Mag-ex na sina Kim Chiu at Xian Lim magtatapat sa prime time

Tanong sa kanya ng TV Patrol entertainment reporter na si Ganiel Krishnan, “Lahat ng kinds of achievement you have it already, lahat ng projects nakukuha mo. You are very good at dancing, singing. Siguro ang tanong na lang ng mga tao, ano pa ba ang hinahanap ng isang Kim Chiu?”

Natatawang sagot ni Kim, “Hinahanap ko si the one! Charot!”

Pagtatapat ni Kim, hindi naman nawawala ang pag-asa niyang matatagpuan din niya ang tunay na pag-ibig, ngunit sa ngayon ay masyado pa raw siyang busy sa kanyang career.

Hindi rin daw ito ang kanyang priority, kaya habang wala pa ay ie-enjoy muna niya ang pagiging single.

Pahayag ng Linlang star, “Hinahanap ko siya pero huwag muna sana ngayon kasi busy ako.

“Soon siguro, mag-merienda muna siya.

“Let’s take it day by day and enjoy and live for the moment and just chill have fun.”

Kim Chiu says she is not leaving 'It's Showtime'

CONTINUE READING BELOW ↓ NOOD KA MUNA! XIAN: “in life, everything happens for a reason.”

Samantala, noong January 8, nakausap naman ng PEP Troika si Xian, at dito natanong siya tungkol sa paniniwala niya sa second chances.

Walang binanggit na pangalan ang PEP Troika, ngunit mahihinuhang patungkol ito sa pagmamahalan nila noon ni Kim.

Ayon sa Love. Die. Repeat. leading man, naniniwala siyang ang lahat ng bagay sa buhay ay nangyayari na may dahilan.

Ani Xian, “I think, in life, everything happens for a reason. Yun lang naman po yun. Hindi man umulit o umulit man, everything’s gonna happen for a reason.

“Lahat nga po na mga pangyayari sa buhay, e, it happens for a reason. So, we just have to move forward kung ano man po yun.

“Dapat naman talaga okay. We just got to work. People working.

“Yun naman yung gusto natin, work on yourself and just keep on doing different things, doing different projects, keeping busy.”

Habang isinusulat ang artikulong ito ay wala pang isinasapublikong dahilan ang dating magkasintahang Kim at Xian kung bakit sila naghiwalay.