Kim Chiu hopes “someone will give me his unconditional love”

Inamin ni Kim Chiu na never pa siyang nakaramdam ng unconditional love sa mga taong minahal niya noon.

Mismong kay Kim galing na dalawa lamang ang kanyang naging karelasyon: ang una ay five years at ang pangalawa ay 11 years.

Hindi man tinukoy ni Kim kung sino sila, hindi lingid sa showbiz na ang dalawang aktor na nakarelasyon niya ay sina Gerald Anderson at Xian Lim.

Pinag-usapan ang buhay-pag-ibig ni Kim sa interview sa YouTube channel ni Dra. Vicki Belo nitong March 16, 2024.

Inusisa ang kasalukuyang estado ng puso ni Kim.

“It’s a little empty pero okay naman. It’s ano naman… part of life and part of growing up,” sagot ng Kapamilya actress.

KIM ON HER PAST RELATIONSHIPS

Sa interview, pinag-usapan ang ugali ni Kim na sobrang maasikaso at mapagmalasakit sa mga taong minamahal — pamilya man o karelasyon.

Pakiramdam daw ba ni Kim ay kamahal-mahal siya?

“Of course. Kaya ang haba ng pasensiya ko and I give my 100 percent para in the end, wala akong pagsisisi. Wala akong regrets, just lessons learned.”

Tinanong si Kim kung hindi ba niya natatanong sa sarili kung bakit hindi nasusuklian ang pagmamahal na ibinibigay niya sa iba.

“Baka one day. Not today, not tomorrow, not yesterday,” may halong birong sagot ni Kim.

“I don’t know when. Growing up, nasanay talaga ako na I always give love.”

Ipinaliwanag ni Kim na hangad niyang darating ang panahong may lalaking lubos na magmamahal sa kanya.

“Yun lang ang gusto ko. I want to give love para someday someone will give me his unconditional love,” ani Kim.

Sa usaping puso pa rin, sinundot ng tanong si Kim kung nakaramdam na siya ng “unconditional love from anyone.”