Kim Chiu to ex-boyfriend Xian Lim: “Let’s give it a rest.”

Kim Chiu hopes Xian Lim will stop giving statement about them
Actress-TV host Kim Chiu wishes ex-boyfriend Xian Lim (insert) to stop giving any comments and interviews about their past relationship.

Tikom pa rin ang bibig at hindi nagbibigay ng pahayag si Kim Chiu matapos kumpirmahing hiwalay na sila ng longtime boyfriend na si Xian Lim noong December 2023.

Pero si Xian ay paminsan-minsang nagbibigay ng pahayag ukol sa kanilang naging hiwalayan.

“I DON’T WANT TO DWELL SA PAST.”

Sa eksklusibong panayam ni Kim kay MJ Felipe ng ABS-CBN News na lumabas ngayong Biyernes, June 7, 2024, tila napuno na ang It’s Showtime co-host sa pagbibigay ni Xian ng pahayag tungkol sa kanilang natapos na relasyon.

Sabi ni Kim, “Entering 2024, sabi ko talaga, I just want a fresh start, new beginning and I don’t want to dwell sa past.”

Halos anim na buwang hindi nagsalita si Kim tungkol sa hiwalayan nila ni Xian. Ngunit binasag niya ang kanyang pananahimik sa panayam ni MJ.

Sabi ni Kim, “Parang yung post ko nung December, sabi ko, this will be the last time na pag-uusapan ko ito.

“Pero parang ang dami pa rin. Parang hindi naman siya mapag-uusapan kung no one’s lighting the fire.”

Mutual decision ang naging hiwalayan nina Kim at Xian. Ito ay matapos ang labindalawang taon nilang relasyon.

Sa ngayon, umaasa si Kim na tigilan na ni Xian ang pagbibigay ng anumang pahayag ukol sa kanilang breakup.

Aniya, “It ended, the journey was beautiful. Ayaw ko nang maging masama yung loob ko.”

Sa huli, tila naiiyak na sabi ni Kim, “Kasi paulit-ulit na lang. Let’s give it a rest and let’s leave respect to each other.”

May bago nang girlfriend si Xian sa katauhan ng movie producer na si Iris Lee.