Kim Rodriguez, nakausap ni Ogie D; pinabulaanan ang isyu nila ni Marc Pingris

Sa episode ng Ogie Diaz Showbiz Update ngayon Marso 29, ibinagi ni Ogie Diaz ang naging pahayag ng kanyang alagang si Kim Rodriguez kaugnay sa isyu sa kanila ni Marc Pingris.

Matatandaang ilang mga larawan nila ang nagbunga ng espekulasyon na nagsasabing mayroon umanong namamagitan sa kanila ng mister ni ni Danica Sotto-Pingris.

Kaya naman bilang manager, inalam ni Ogie ang detalye tungkol sa mga larawan nina Marc at Kim na bagama’t hindi sila magkasama, sinasabi ng netizens na nasa iisang lugar sila.

“Tito, hindi po ‘yan totoo,” ang naisagot umano ni Kim kay Ogie nang mausisa siya nito.

Una raw pinaliwanag ni Kim ang tungkol sa larawang kuha sa isang gas station.

“Hindi po kami magkasama niyan. Sabi niya sa akin, kahit itanong niyo po sa girl na ‘yan kung magkasama kami ni Marc Pingris kung pareho niya kaming nakita na same time, I’m sure alam niya ang totoo,” pahayag ni Kim, ayon kay Ogie Diaz.

Maging ang tungkol sa kuha sa Opera House sa Australia ay pinabulaanan din ni Kim.

“Ang sabi naman sa akin ni Kim, meron siyang dalawang kaibigan na kasama nung nagbakasyon sila sa Australia. Sabi sa akin ni Kim, anong pakialam ko kung may picture doon si Marc Pingris sa Opera house. E ako din may picture, lahat naman ng nagpupunta ng Syndney dapat may picture ka daw sa Opera House kaya may picture ako”.

Narito ang kabuuan ng talakayan nina Ogie at Mama Loi mula sa kanilang Showbiz Update channel.

Si Ogie Diaz ay isa sa mga kilalang showbiz reporter sa Pilipinas. Isa rin umano siyang komendyante na unang na[anood sa Palibhasa Lalake noong 80’s.

Sa ngayon, pinakakaabangan ng marami ang mga video sa YouTube channel na “Ogie Diaz Inspires” at “Ogie Diaz Showbiz Update” dahil sa mga maiinit na showbiz balita at interview sa mga artista at kilalang personalidad sa bansa.

Nabansagan siya ng ‘Patron ng Hiwalayan’ dahil sa pagbabalita niya ng mga naging hiwalayan sa showbiz na kalauna’y kinumkumpirma naman ng mga showbiz couples na gumulantang ang breakup kamakailan.