Kyle Echarri nagpapa-borta ng katawan para sa next project: ‘Medyo pinasok ko na rin po ‘yung mga ganu’ng roles ngayon’

HINDI pa man natatapos ang hit Kapamilya series na “Senior High” ay may mga next projects nang pinaghahandaan ang singer-actor na si Kyle Echarri.

Last Friday, November 3, muling pumirma ng exclusive contract sa ABS-CBN ang aktor kaya naman mananatili pa rin siyang Kapamilya sa loob ng ilang taon.

Sa naganap na contract signing, ibinalita ni Kyle na kasado na ang dalawa niyang bagong projects, kabilang na riyan ang pelikula nila ng Utimate Leading Man na si Piolo Pascual.

May isa pa siyang gagawin para sa ABS-CBN pero hindi muna siya nagbigay ng detalye tungkol dito pero siguradong ikatutuwa raw ito ng kanyang mga supporters.

“We did a movie recently under Spring Films and Cornerstone Studios. Excited na po akong ipakita sa mga tao.

“I also have another project, isa rin pong pangarap ko, that’s coming soon. Hindi ko pa po pwedeng sabihin but it’s under ABS-CBN. Excited po ako na ganapin ‘yung role na ‘yun,” sey ng binata.

Không có mô tả.

Ngayon pa lang daw ay pinaghahandaan na niya ang naturang project, kabilang na ang pagpapaganda at pagpapakundisyon ng kanyang katawan o ang pagpapa-borta.

“Marami pong naka-schedule na workshops. It’s always better to better your craft kahit san ka sa career mo. It’s always good to do workshops and fix your tools.

“Kailangan ko mag-gym sa next role ko. Medyo pinasukan ko na po ‘yung ganong roles na ngayon. Na kailangan po magpaborta minsan,” aniya pa.

Kasalukuyang napapanood si Kyle sa primetime series na “Senior High” kasama sina Andrea Brillantes at Juan Karlos.