Kylie Padilla spotted with rumored boyfriend in a mall

Spotted ng ilang netizens si Kylie Padilla kasama ang rumored boyfriend nitong isang tattoo artist sa isang shopping mall.

Martes ng gabi, January 9, 2024, ibinahagi ng isang netizen sa TikTok ang short clip ng paglabas ni Kylie sa isang establishment kasama ang lalaking mahaba ang buhok at maraming tattoo sa braso.

Caption ng nag-share, “Yes naman #fyp? #kyliepadilla #encantadia_amihan???? #xyzbca

Sa comments section, sinabi ng ilang netizens na ang lalaking kasama ni Kylie ay nagmamay-ari ng isang tattoo shop.

Isang taon na ang nakalilipas nang unang nasilayang kasama ni Kylie ang nasabing lalaki sa bakasyon nila sa Thailand.

Hinala ng netizens noon, nakahanap na ng bagong pag-ibig ang Kapuso actress isa’t kalahating taon mula nang maghiwalay sila ng asawang si Aljur Abrenica.

Hindi napigilan ng ilang netizens na usisain ang Instagram Reels ni Kylie mula pa noong December 31, 2022.

Kylie Padilla spotted with rumored boyfriend

Laman kasi nito ang snippets ng biyahe ng aktres sa Thailand kasama ang kanyang rumored boyfriend.

Kasama rito ang paghu-holding hands while walking ng dalawa habang sila ay namamasyal.

Paliwanag ni Kylie, dahil sa masalimuot na pinagdaanan ng kanyang nakalipas na relasyon ay napagdesisyunan niyang gawing pribado muna ang relasyong mayroon siya ngayon.

Aniya, “After kasi ng everything, gusto ko na munang i-private yon.

“Hanggang Instagram-Instagram muna kayo, guys.”

Samantala, willing ang estranged husband ni Kylie na si Aljur na makilala ang bagong boyfriend ng aktres.

Masaya na ang puso ngayon sa piling ng girlfriend na si AJ Raval.

Hanggang ngayon ay hindi pa nagsasalita si Kylie tungkol sa sinasabing rumored boyfriend niya.

Sa exclusive interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Kylie sa GMA Gala 2023 noong July 22, sinabi nitong gusto muna niyang gawing private ang usapin ng kanyang love life.