Wala pang limang taon simula noong nag-crossover si Kylie Verzosa mula sa beauty pageant papuntang showbiz, nakatanggap na ito ng acting award, at international best actress pa.
Nitong November 5, 2022, nasungkit ni Kylie ang best actress trophy sa 2022 Distinctive International Arab Festivals Awards (DIAFA) para sa Pinoy adaptation ng The Housemaid, produced by Viva Films, sa direksiyon ni Roman Perez Jr.
AS BEST ACTRESS
Mula sa pagiging diwata sa pelikulang Panday noong 2017 at fairy sa anthology TV series na Wansapanataym: Gelli In A Bottle noong 2018, malayo na ang narating ni Kylie bilang aktres.
Hindi biro ang kanyang pinagdaaanan at transition from being a beauty queen to an actress.
“Mahirap pong pasukan ang isang industriya na you didn’t really started—coming in into acting as a beauty queen.
“One, there’s so many stereotypes and mahirap, dahil iba talaga yung discipline and yung practice. Ako, it took me a few years na mahasa talaga sa craft.
“Nagpapasalamat ako na, finally, all my hard work is paying off and na-acknowledge na ako ng isang award-giving body pa na nasa Dubai to celebrate a movie about the strength of the Filipinos.”
Personal na tinanggap ni Kylie ang kanyang trophy sa awarding ceremony na ginanap sa Dubai, United Arab Emirates.
Sa kanyang acceptance speech na nai-post sa social media, aniya: “Six years ago when I won the international title for the Philippines, it was such a joyous moment for me.
“Today, I feel like winning another crown, and this time, for Best Actress.