Beauty queen-actress Kylie Verzosa on new endosrement: “I love how they support the sports community, how they support athletes, that I wanna uplift the sports community and support Filipino athletes. Parang it makes me, it makes me kinda reminisce my pageant days.”
Nais pa ring panatilihing lihim ng beauty queen-actres na si Kylie Verzosa ang tungkol sa kanyang “private relationship” sa ngayon.
Nakangiting sagot niya sa tanong ng press, “All I can say is I’m happy.”
Nakausap ng PEP.ph at iba pang miyembro ng media si Kylie sa launching niya bilang bagong endorser ng SportsPlus.ph kagabi, March 5, 2024, sa Xylo at the Palace, Bonifacio Global City, Taguig City.
Ang huling nakarelasyon ni Kylie ay ang aktor na si Jake Cuenca.
Umabot ang kanilang relasyon ng three years bago sila maghiwalay noong April 2022.
On good terms ba sila ng ex-boyfriend?
Diretsong sagot ni Kylie, “No.”
Sa panayam sa kanya ng ABS-CBN News noong November 2023, sinabi ni Kylie na non-showbiz ang nasabing lalaki at hindi rin ito Pilipino.
Saad ng Miss International 2016, “I’m so happy, I’m so happy.
“Honestly, I want to keep it private this time, so it’s a private relationship and it’s so much more peaceful.
“It’s really, really peaceful.”
Kailan naman kaya niya ipakikilala sa publiko ang boyfriend?
Tugon ni Kylie, “I don’t know.
“Siguro ano, when I would want to show it. But right now, I’m so happy.”
SUPPORT FOR LOCAL SPORTS, FILIPINO ATHLETES
Paano napapayag si Kylie na tanggapin ang maging ambassadress ng Sportsplus.ph?
Ang Sportsplus.ph ay Filipino brand at isang sports betting app sa Pilipinas.
Lisensiyado rin ito ng PAGCOR (Philippine Amusement and Gaming Corporation) kaya nakatitiyak daw ang mga taong safe ang kanilang pera.
Pero bukod dito, may isang aspeto na nagustuhan si Kylie—ang advocacy nitong pagsuporta sa local sports at mga atleta.
Saad niya, “Well, I really had to see what the brand is about.
“Hindi ako tumatanggap ng kung anu-ano.
“So I really believe in what Sportsplus is committed for.
“I love how they support the sports community, how they support athletes, that I wanna uplift the sports community and support Filipino athletes.
“Parang it makes me, it makes me kinda reminisce my pageant days.”
Ito rin daw ang hindi alam ng tao, na very athletic talaga ang beauty queen.
Aniya, “I go to the gym a lot. I run.
“I watch basketball, football, F1, MMA, boxing sometimes. I run, I gym, I box, I do Pilates, I do yoga.
“What else? I’m pretty active. I bike, I run every day almost.
“Oh, I train and, yeah, I’m pretty active. Hindi lang mukha. Hindi lang mukha, promise.”