Kyline Alcantara admits to be hur.ting but moving forward

kylin alcantara moving on

Wala pang direktang pag-amin si Kyline Alcantara sa totoong estado ng relasyon nila ni Mavy Legaspi.

Ito ay sa kabila ng naglalabasang balitang hiwalay na sila at siya ring sinasabi ng ilang taong malapit sa kanilang buhay.

Nang makapanayam siya ng Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) at ng columnist na si Lito Mañago, ang tungkol sa estado ng kanyang emosyon ang unang napag-usapan.

Sagot ng 21-year-old Kapuso actress, “Ang puso ko ngayon ay masaya, dahil ang dami kong ginagawa.

“I do tennis, firing. Nagmo-motor po ako.

“And I’m planning to join po for something para naman po for next year, influenced by some people around me.

“Ayun, ang dami ko pong ginagawa ko ngayon na hobbies, at binabalikan ko po yung pagiging thrill-seeker ko, kasi yun yung parang na-miss ko po.

“Yung thrill, yun adrenaline [rush], kaya yun po ang mga ginagawa ko ngayon.

“At saka masaya din po, kasi ngayong Christmas season ay may trabaho kaya grateful din po ako.”

Ito bang pagiging abala niya sa ilang extracurricular ay activities ay isa ring therapy upang madali siyang makalimot sa anumang hindi magandang pinagdaanan niya ngayon?

Paglilinaw ni Kyline, “Actually, hindi naman po siya para makalimot.

“I don’t deal with the problems. I don’t ignore them. I really acknowledge them.

“But I’m not naman kasi ako yung tao na tatagal ako sa same place.

“Ako yung tao na, ‘Okay, maybe something happened, okay, move forward.’

“Hindi po sa pag-aano, pero yung pagtsi-church really helped me. Kasi I go there every Sunday na kaya ko po.

“But kung di ko naman kaya, like right now, kasi may lock-in taping ako every Sunday, nanonood po ako ng preaches, kundi man sa favorite church, sa transformation church.

“So, a lot of people are really helping me right now.”

Nakausap namin si Kyline sa Barangay Ugong, Valenzuela City, nang naimbitahan siya ni Fr. Dennis Espejo bilang espesyal na bisita sa project nitong “Handog Pamasko Para sa Mga Bata” noong December 8, 2023.

“THIS TOO SHALL PASS”

Tinanong ng PEP.ph si Kyline kung gaano ba siya katibay sa pagharap ng mga hamon sa buhay.

Ayon sa aktres, “I need… I must be strong, kasi life goes on.

“At ang thinking ko na lang po ay, ‘This too shall pass.’

“Kahit sa anumang bagay naman po, kung may pinagdaanan ako, this too shall pass.

“Kung masaya ako na ang feeling ko sobrang successful ako as a person, I know that this too shall pass.

“So, yun na lang po ang mindset ko ngayon na life goes on.

“Marami ang ibibigay sa akin na challenges si God, na tribulations si God. Pero kaya kong harapin yun dahil alam kong maraming nagmamahal sa akin, and I’m grateful with that.

“May pamilya ako na nagmamahal sa akin. At ang opinyon po na nagma-matter sa akin ay yung sa pamilya ko, at mga kaibigan na kilala talaga ako.”

Sa puntong ito, diretsahang tinanong uli siya ng PEP.ph kung hurting ba siya ngayon?

Walang pasubaling sagot niya, “I am… tao lang naman po ako. So, nararamdaman ko ang lahat ng emosyon.

“Again, hindi po ako yung isang tao na nag-i-stay ako, lalo na’t alam ko na ang daming responsibilidad ako na hinaharap.

“So I must be strong not just for myself, but for the people around me.”

KYLINE’S 2023

On a lighter note, paano niya isasalarawan ang taong 2023 ngayon malapit na rin itong matapos?

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Saad ni Kyline, “2023. Actually, lagi naman pong roller-coaster ride ang bawat taon.

“But this year, I met the happiest and saddest version of myself.

“And I’m very grateful for every single thing that happened kasi I know, at may tiwala po ako, na there’s a lesson, and there’s a reason kung ba’t nangyari.”

Kung anuman ang nangyari sa kanyang love life, natatakot na ba siyang umibig muli?

Pasubali niya, “Well, we’ll never know the future. But ngayon po, I’m just focusing on myself.

“Lagi naman po. But now, I’m more committed on taking care of myself, getting to know myself, and prioritizing myself. But not in a narcissistic way. Hahaha!

“Kailangan ko lang makilala, kasi bata pa po ako, at gusto ko pang makilala ang sarili, kung ano ang limitations.”

Sa ngayon, pinagkakaabalahan ni Kyline ang taping para sa bagong Kapuso teleserye na Shining Inheritance, kung saan muli siyang babalik sa papel kung saan lubos siyang hinangaan—bilang bida-kontrabida.