Kyline Alcantara, Carmina Villarroel both post cryptic message about “peace”

Kyline Alcantara, Carmina Villarroel post message about "peace"

Kapansin-pansin ang magkasunod na cryptic messages nina Kyline Alcantara at Carmina Villarroel sa social media tungkol sa “peace.”

Si Kyline ang girlfriend ng anak ni Carmina na si Mavy Legaspi, bagamat napapabalitang break na umano sina Kyline at Mavy.

Martes ng gabi, November 28, 2023, isang makahulugang mensahe ang ibinahagi ni Kyline sa kanyang Instagram Story.

Mababasa rito na tinuruan siya na ang pagiging tikom ng bibig ay magpapanatili ng kapayapaan.

Hanggang sa na-realize niya kung kaninong katahimikan ang kanyang pinananatili.

Post ni Kyline: “I was taught that keeping quiet kept the peace. Until I realized, [whose] peace is it keeping.”

Kyline Alcantara cryptic message
Kyline Alcantara cryptic message

“PROTECT YOUR PEACE.”

Samantala, ngayong Miyerkules, November 29, isang maiksi at makahulugang mensahe naman ang ibinahagi ni Carmina sa kanyang X (dating Twitter) account.

Sabi sa kalakip na photo message nito, “Protect your peace.”

Caption niya ay praying hands, heart, at praying hands emojis.

Nitong mga nakaraang araw, nakakaintriga ang mga post Carmina sa X pa din dahil tila parinig ito sa isang taong tila sumisira umano sa pangalan ng dalawa niyang anak na sina Mavy at Cassy Legaspi.

Sabi ni Carmina sa unang post niya Noong November 25 (published as is): “Dear Mavy and Cassy, people can destroy your image, damage your personality, create rumors about you but they can never take away your good deeds.

“Because no matter how they describe you, you will always be admired by those who know you best.”

Image

Noong November 26 naman, ganito naman ang post ni Carmina, “Mom knows best.”

Ayon sa netizens, tila parinig ito kay Kyline matapos ang mga makahulugang tweet nito noong November 24 na “I knew it.”

Saad naman ni Kyline sa TikTok, “Iba ka Tiktok. I knew it.”