Leren Mae Bautista pokes fun at age gap with boyfriend Ricci Rivero

Los Baños, Laguna Councilor Leren Mae Bautista is one proud girlfriend to Ricci Rivero in his first PBA All-Star Game participation.

PHOTO/S: LEREN MAE BAUTISTA INSTAGRAM

Sinakyan na lang ni Bb. Pilipinas Globe 2019 at Los Baños, Laguna Councilor Leren Mae Bautista, 30, ang mga netizen na patuloy na kumukuwestiyon sa agwat ng edad nila ng boyfriend na si Ricci Rivero, 25.

Sa latest Instagram post ni Leren nitong Martes, March 26, 2024, ibinahagi niya ang kuhang picture at video ni Ricci habang naglalaro ng basketball sa ginanap na PBA All-Star Game.

Ani Leren, proud siya sa success ng nobyong si Ricci sa kauna-unahan nitong all star game bilang rookie ng Philippine Basketball Association (PBA).

Mababasa sa kanyang caption (published as is), “Congratulations on your first PBA All Star Game my love @ricciiirivero.

“You being the only rookie who played during the All Star Game was something else!

“We are so proud of you [kiss and heart emoji].

“From your Nanay, Tita and Ate all in one [laugh emoji].”

FIVE-YEAR AGE GAP

Kahit na limang taon ang agwat ng mga edad nina Ricci at Leren, hindi raw ito naging balakid sa kanilang relasyon at pagmamahalan.

Ito ang proud nilang ibinahagi sa panayam nila sa Fast Talk With Boy Abunda noong February 16, 2024.

Paliwanag ni Leren, kahit matanda siya ng limang taon sa kanyang basketball player-actor boyfriend, nauunawaan nila ang isa’t isa.

Pahayag niya, “Sobrang nagkakaintindihan din naman kami.

“Ang level of maturity ni Ricci, parang sabi ko nga, parang mas mature pa siya sa akin pero ako yung mas matanda.”

Hirit pa niya, “Natatawa lang ako minsan kasi kapag sinasabi nilang tita daw po ako ni Ricci, sabi ko, ‘Ate lang.’”