Life story of Iah Seraspi, cum laude at board topnotcher: Matinding hirap tungo sa pangarap

Ayon kay Iah Seraspi ay utak lang ang tangi niyang puhunan noon para matupad ang pangarap na makaahon sa hirap.

Mulat sa kahirapan, noon pa man ay pangarap na ni Iah Seraspi na mabigyan ng magandang buhay ang kanyang pamilya.

“Utak lang ang puhunan” niya nang siya ay magtapos bilang cum laude sa kursong Bachelor of Education, major in Science, sa Romblon State University.

Top 2 din si Iah sa 2015 Licensure Exam for Teachers (LET).

Nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong December 1, 2021 sa pamamagitan ng Facebook Messenger, nagbalik-tanaw si Iah sa paghihirap na dinanas niya para maabot ang pangarap.

Nakatira siya sa maliit na kubo kasama ang dalawang kapatid. Mangingisda ang kanyang ama at plain housewife ang kanyang ina.

Kuwento ni Iah, “Approximately, my father earns twenty to fifty pesos per day, not even enough to provide for our daily basic needs.”

Naranasan din nila noon ang mag-ulam ng asin.

Iah Seraspi as a young student

Ani Iah, “Yes. We are poor. I finished my studies na literally, utak lang ang puhunan kasama ang lampara at ang alat ng asin na aking ibinubudbod sa kanin magkalasa lang.”

Hindi umano niya alam kung paano sila naka-survive, lalo pa at ang lugar nila sa Romblon ay madalas tamaan ng bagyo, baha, at lindol.

Gayunpaman, hindi siya nagrereklamo tungkol sa kalagayan ng kanyang pamilya.

“As long as we have rice for the day, problem solved. We have a very simple basis for wealth in our family. It depends on our viand for the day.

“If I woke up in the morning and my mother would offer me sugar as partner to my humble breakfast of pure rice or porridge, I am already elated. Feeling ko noon, mayaman na kami.”

UMIIKOT LANG ANG BUHAY NIYA SA PAG-AARAL

Ayon kay Iah, uminog ang kanyang mundo sa pag-aaral at pangarap na makatapos sa kolehiyo.

“I grew up without electricity at home. I had no other life outside school. Basically, my life revolved [around] my studies. Every time I arrive home, my books are my playmates.

“I usually study with only the light of a lamp illuminating my reading materials. Literally, I was burning the midnight candle.”

Hindi aniya siya nakasasagot sa titser kapag tungkol sa current events ang tanong dahil wala silang radyo at telebisyon.

“I guess those insufficiencies put me [at a] disadvantage,” aniya.

Hindi rin siya nakaranas magkaroon ng kumpletong gamit sa school. Ang mga isinusuot niya ay namana lang niya sa mga kamag-anak at kaibigan.

“I go to school almost barefooted because the soles of my shoes are totally worn-out. My black shoes were almost white because of flaking, so, I had to paint it black using charcoal and a drop of glue.”

Lagi rin siyang walang baon. Kapag binibigyan siya ng kanyang ama ng piso, isinasauli na lang niya ito.

Katuwiran niya, “It will only give me stress deciding what to buy with my very limited money. So, I just [became content with] sitting on my desk during recess, eating my books, and digesting its contents.”

Nagtapos siyang salutatorian noong elementary at valedictorian sa high school.

MAY NAGPAARAL SA KOLEHIYO

Nakapasa si Iah sa University of the Philippines College Admission Test (UPCAT). Dahil problema pa rin niya ang gagastusin kung sa UP magko-kolehiyo, nagdesisyon siyang sa kanilang probinsiya na mag-aral.

May magandang pangyayari naman na naganap sa kanyang buhay.

“Weeks before the enrolment, I met Ate Deborah Esquejo Garcia. She was very willing to finance my tertiary education.

“Kinapalan ko na rin ang mukha ko. I showed her how determined I am to get a degree.”

Napakalaki aniya ng naging tulong sa kanya ni Deborah at ng pamilya nito.

“They are naturally generous, and I was more than blessed that God sent them to me.”

NAWALAN NG CHANCE MAGING MAGNA CUM LAUDE

Pero humarap sa isang matinding hamon sa buhay si Iah.

Dahil sa pagkakaroon ng gradong 2.0 noong kanyang third year, nawalan siya ng pagkakataong maka-graduate bilang magna cum laude.

“I was so down. I doubted myself. Baka di talaga ako magaling. I woke up each day full of negativity.

Iah Seraspi in their old backyard

“I lost my interest in my studies because I know no matter how hard I try; nothing can erase that grade in my class card.”

Hanggang minsan ay tila may bumulong sa kanya ng: “May board exam pa.”

Ani Iah, “I got up, gathered my self-esteem, recovered myself, and set a new goal. I will top the board examination. I will prove [to] them that I don’t deserve that grade.”

Mula noon ay lalo siyang nagpakasigasig sa pag-aaral. Nang maka-graduate sa kolehiyo ay agad na rin siyang nag-review para sa LET.

“My drive to top the exam was uncontrollable. I was so motivated, but this time, I have a new motivation. I will top the examination because of the cash prize I will receive.”

Sabi niya sa sarili noon, “Mapapakain ko na agad sina Inay, Itay, at ang aking mga kapatid ng masarap na pagkain kapag nakuha ko na ang reward. Pagkain ang mas bumuhay sa aking diwa to strive even harder.”

Nang lumabas ang resulta, Top 2 si Iah.

“That was the moment that changed my life. That was truly the best time of my life. Everything feels perfect that moment.”

Sa dami ng emosyong nadama ni Iah, ang unang ginawa niya ay magpasalamat sa Diyos.

NAG-VIRAL ANG BARUNG-BARONG NA MAY TARPAULIN

Kuwento pa ni Iah, nang lumabas ang resulta ng LET ay nag-post ang kanyang naging sponsor sa kolehiyo ng larawan ng kanilang barung-barong na may tarpaulin ng kanyang tagumpay.

Iah Seraspi's kubo with her tarpaulin as Top 2 LET passer

Aniya, “It was the picture that flooded online with the message: ‘This house was able to produce a LET topnotcher’.”

Kinabukasan, dumagsa na ang mga taga-media para siya ay makapanayam. Halos lahat ng malalaking programa sa telebisyon ay nai-feature siya.

KUBO NOON, MAGANDANG BAHAY NA NGAYON

Maraming nabago sa buhay ni Iah simula noon.

Sa kasalukuyan ay connected siya sa Carl Balita Review Center (CBRC), bilang Vice Director for Academic Programs at National Lecturer.

Bukod doon, “May franchise rin po ako ng CBRC-Romblon branch.”

Nakarating na rin siya sa maraming bahagi ng Pilipinas, at ang inuuwian niyang kubo ay magandang bahay na ngayon.

Iah Seraspi's new house

Masaya niyang pagbabahagi, “Nag-start po akong magpagawa ng bahay mga 2017. I was 23 years old. Natapos po siya 2019, during my 25th birthday. Around 2 years in the making po.

“Yung exact location po ng kubo namin, yun din ang location ng new house. Parang ni-recreate po namin siya at in-upgrade nang very light.”

Simple pero makahulugan naman ang mensahe niya sa mga kabataan na may pangarap: “Dream big. Work hard for it and pray. Then, smile…

“The only thing that will stop you from achieving your dreams is you.”