Liza Soberano, Julia Barretto unfollow Kathryn Bernardo’s IG

Netizen: “…ok lang yan it’s a tie.”
Liza Soberano and Julia Barretto unfollow Kathryn Bernardo on IG
Eagle-eyed netizens notice that Liza Soberano (right) and Julia Barretto (left) no longer follow co-actress Kathryn Bernardo (center) on Instagram. 

PHOTO/S: LIZA SOBERANO/JULIA BARRETTO/KATHRYN BERNARDO INSTAGRAM

In-unfollow na rin nina Liza Soberano at Julia Barretto sa Instagram ang kapwa nila aktres na si Kathryn Bernardo.

Noong June 12, 2024, napansin ng ilang mapanuring netizens na wala na ang pangalan ni Kathryn sa following list nina Liza at Julia sa Instagram.

Liza Soberano and Julia Barretto unfollow Kathryn Bernardo on IG
Liza Soberano and Julia Barretto unfollow Kathryn Bernardo on IG

Nangyari ito makalipas ang halos limang buwan mula nang i-unfollow ni Kathryn sina Liza at Julia sa kasagsagan ng hiwalayan ni Kathryn at ng long-time boyfriend nitong si Daniel Padilla.

Si Kathryn ang unang nag-unfollow kina Liza at Julia sa hindi pa malamang dahilan.

January 11, 2024 nang tanggalin ni Kathryn sina Liza at Julia, at isa pang aktres na si Gillian Vicencio, sa kanyang following list. Kasabay ito ng pag-unfollow niya sa dating nobyo na si Daniel.

Ito na rin ang huling beses na makita sina Liza at Julia na pinapa-follow si Kathryn.

NETIZENS REACT

Dahil sa pag-unfollow nina Liza at Julia kay Kathryn, muling nabuksan ang isyu ng kontrobersiyal na hiwalayan ng KathNiel.

Maging ang matagal na noong palaisipan sa kaugnayan nina Liza at Julia sa breakup nina Kathryn at Daniel.

Ayon sa netizens, imposible raw kasing bigla na lang silang i-unfollow ni Kathryn kung wala siyang natuklasan na ikinagalit niya sa mga ito.

Halu-halong espekulasyon tuloy ang nagsusulputan na, diumano, may kinalaman sina Liza at Julia sa pagwawakas ng labing-isang taong relasyon nina Kathryn at Daniel.

Komento ng isang netizen sa Facebook na nag-post ng screenshot ng pag-unfollow nina Liza at Julia kay Kathryn (published as is): “Grabehan hahahah mga konsintidor cguro yang mga yan.”

Bagay na sinagot naman ng isa pang netizen: “hindi sila konsintidor involve sila kase ksma sila sa flinirt ni daniel pero inignore lang nina julia at Liza si daniel, nagkalabas lang yan lately pero hindi sila naging babae ni daniel nagtry lang si daniel sa knila pero hindi natuloy.”

Liza Soberano and Julia Barretto unfollow Kathryn Bernardo on IG
PHOTO/S: SCREENGRAB @FACEBOOK

Komento pa ng isa, “Si Kathryn unang nag unfollow sa kanila diba so ok lang yan it’s a tie.”

Liza Soberano and Julia Barretto unfollow Kathryn Bernardo on IG
PHOTO/S: SCREENGRAB @FACEBOOK

DANIEL-KATHRYN CONTROVERSIAL BREAKUP

Magpipitong buwan na mula nang kumpirmahin nina Daniel at Kathryn na nagwakas na ang labing-isang taon nilang relasyon.

Nag-post ng magkahiwalay na statement ang dalawa sa Instagram noong November 30, 2023, para iparating sa kanilang fans ang desisyon nilang maghiwalay.

Nabaling kay Daniel ang sisi sa nangyaring hiwalayan dahil nagkaroon umano ito ng lihim na relasyon sa aktres na si Andrea Brillantes.

Bukod pa riyan ang pagdikit sa pangalan niya sa iba pang mga babae, dahilan para isipin ng marami na makailang beses niyang pinagtaksilan si Kathryn.

Sa kabila ng kaliwa’t kanang batikos ay pinili ni Daniel na manahimik at panandaliang magpahinga sa showbiz, samantalang namamayagpag naman ang karera ngayon at tila maging ang personal na buhay ni Kathryn base sa nakikita ng publiko sa social media.

Ilang aktor din ang nali-link ngayon kay Kathryn.

Kabilang na rito ang Kapuso actor na si Alden Richards at ang Kapamilya stars na sina Jericho Rosales at Donny Pangilinan.