LOOK: Yassi Pressman and Luigi Villafuerte intensely kiss

Intense kiss of Yassi Pressman and boyfriend Governer Luigi Villafuerte

Kinilig ang constituents ni Camarines Sur Governor Luigi Villafuerte dahil sa ipinakita niyang pagmamahal sa girlfriend na si Yassi Pressman.

Sa opening ng Kaogma Festival nitong Huwebes ng gabi, May 23, 2024, highlight ng gabi ang duet nina Governor Luigi at Yassi ng “Hero” ng singer na si Enrique Iglesias.

Bago ito, tila pormal nang ipinakilala ni Luigi si Yassi sa kanyang mga nasasakupan bilang mahal niya sa buhay.

Nasa entablado ang gobernador at nagtatalumpati tungkol sa weeklong Kaogma festival ng kanilang lalawigan.

Saad niya sa mga tao, “Siyempre mga taga-Camarines Sur, I want to thank the most special person in the life of your governor.

“Mahal, Yassi, thank you for all what you’ve done to me. Thank you for helping making this possible.

“I want to say in front of the a hundred thousand Camarinenses now, I love you, Yassi.”

Sumayaw muna si Yassi bago sila nag-duet.

Matapos ang kanilang kanta, pinupog ng halik ni Luigi ang girlfriend sa entablado.

Yassi Pressman, Luigi Villafuerte kiss

NOT THE FIRST KISS IN PUBLIC

Hindi ito ang unang public kiss ng magkasintahan.

Noong nakaraang February 8, 2024, nagbahagi si Yassi ng ilang larawang kuha sa isang local fashion event na ginanap sa National Museum of the Philippines.

Kabilang sa mga larawang ito ay ang sa kanila ni Luigi.

May pahiwatig pa si Yassi na ang pinakahuli sa sampung larawan ay may sorpresa.

Makikita nga rito na ang dulong post ni Yassi ay isang short video na nag-kiss sila sa lips ng rumored boyfriend.

Caption ni Yassi, “a beautiful night of love [emojis] swipe to the end for a kilig surrrpwiiz [emojis]”

Unang isinapubliko ni Luigi ang relasyon nila ni Yassi noong February 21, 2024, nang idineklara niya itong “love of my life” sa kanyang buhay.

Sa isang Instagram Reel na in-upload ni Yassi, binitawan ng gobernador ang mga nakakakilig na salitang ito:

“I truly believe pag inspired, lahat possible. Kaya I want to thank the love of my life for supporting this event. Babe, maraming-maraming salamat. Thank you, I love you so much.

“Thank you. Muwah. I love you babe. Let’s give her a round of applause.”