Maja Salvador on dynamics with husband Rambo Nuñez: “Ba.wal na yung ma.gtam.pu-tam.puhan.”

Maja Salvador and Rambo

Pina-rate ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Maja Salvador kung tingin niya ay pasado siya bilang misis ni Rambo Nuñez.

“Parang si Rambo dapat ang tanungin mo,” lambing ni Maja.

“Kaya hindi ako makatanggap kasi adjustments pa, ganoon. Nag-a-adjust pa ako na parang, siyempre every day kasama mo na. Iba yung mag-dyowa.

“Bawal na yung magtampu-tampuhan. Alam mo yon?”

Hindi sila nagkakatampuhan ni Rambo?

“Wala na,” diin ni Maja.

“Kasi yung tampo-tampo ko, nagpapalambing. Ngayon, parang wala na. Kasal na, e.”

Bilang siya ay may asawa na, sinisikap daw ni Maja na balansehin ang panahon niya sa trabaho at sa pamilya.

“Ayun, siyempre, hindi ako makatanggap ng mga serye, pelikula muna.

“I’m doing naman kasi hosting jobs. Season 3 na ng Emojination. Saka siyempre yung sitcom namin ni Bossing.”

Ang tinutukoy ni Maja na Emojination ay ang game show na hinu-host nila ni Awra Briguela sa TV5; at ang tinukoy niyang “Bossing” ay si Vic Sotto na co-star niya sa blocktimer sitcom na Open 24/7 na umeere sa GMA-7.

Looking forward si Maja na magbakasyon sa nalalapit na holiday break.

Aniya, “Pupunta ako sa malamig. Basta malamig. Abangan niyo.”

Sa ibang bansa raw sila pupunta ni Rambo.

“May work pa ako ng December. Pero, di ba, mandatory sa akin na pagdating ng third week of December, wala na akong work. Family time na.

“Babalik na kami ng New Year.”

MAJA’S CHRISTMAS WISH

Eksklusibong nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Maja sa birthday bash ng Beautederm founder na si Rhea Anicoche-Tan noong November 25, 2023.

Inililihim pa noon ni Maja na buntis siya.

Kaya nang usisain ng PEP.ph kung kailan nila plano ni Rambo na magkaroon ng anak, ang sabi lang niya, “Christmas wish ko, sana mabiyayaaan na kami ng little one.

“Actually, hopefully, next year. Tingnan natin. Kaya naman. E, kasi 35 na rin ako, Ate Julie,” sabi ni Maja.

“Dugtong pa niya, “Kung ibigay, e, di ibigay ngayong 35.”

Mas gusto ba niya ang baby girl o baby boy?

Sagot niya, “Kahit ano basta healthy. Yun naman ang importante.”

At natupad nga ang Christmas wish na iyon ni Maja.

ON BALANCING HER ROLES

Sa dami ng roles na ginagampanan ni Maja ngayon, saan siya nahihirapan?

Sagot ni Maja, “Walang mahirap kasi ginusto natin lahat. Ganoon naman ang life. Kung anong gusto mo, gawin mo.

“Kasi pinangarap mo yan, ginusto mo. So, ang mga work natin, di ba? Hindi naman tayo tatanggap… Mapapagod tayo, pero hindi tayo maghihirap.”

Bukod sa pagiging actress, dancer, at host, si Maja ay co-founder ng talent management na Crown Artist Management Inc.

Hirit ni Maja patungkol sa sarili, “Manager?! Manager sa sarili. Hahaha!”

Ano ang feeling ng isang entrepreneur?

“Nakakatuwa,” sabay ngiti niya.

“Dahil siyempre, sa mga taong nakapaligid sa yo. Thankful tayo and grateful na rin kasi lahat naman, e, malaking parte sila.”

As an artist, anu-ano ang naka-lineup na projects niya next year?

“In-announce na naman na nung trade launch. So, sa 2024, may bagong variety show.

“Bukod sa sasayaw-sayaw ulit, hosting ulit. Ine-enjoy ko ang pagiging host ngayon.

“Parang 20 years sa showbiz industry hindi ko akalaing maghu-host-host ako. Pero masaya siyang work for me.”