Marian Rivera, intimidating? Here is her response to the initial impressions of fellow stars

Hindi isyu para kay Marian Rivera na ang first impression sa kanya ng kapwa artista ay intimidating.

“Okay lang iyon, ganoon talaga, normal lang iyon,” ang sabi ni Marian sa ginanap na mediacon para sa comeback TV series niyang My Guardian Alien noong March 21, 2023, sa Luxent Hotel.

Maliban kina Gabby Eigenmann at Max Collins, parang karamihan sa cast—sina Raphael Landicho, Josh Ford, Caitlyn Steve, Christian Antolin, Kiray Celis, Kirst Viray, at Marissa Delgado—ay first time makatrabaho ang Kapuso star.

Si Marissa ang gumaganap na masungit na biyenan ni Katherine, ang karakter na ginagampanan ni Marian.

Nang kumustahin ang karanasan niya sa pakikipagtrabaho kay Marian, ang sagot niya, “Okay naman. Okay naman, di ba?”

Saka niya inamin na nakaramdam siya ng takot sa unang pagsasama ng aktres dahil isa raw siyang fan ni Marian, at ang bilis din niyang nakapalagayang-loob ito.

Saad nbeteranang aktres, “Minsan lang kami nagkaka-eksena, but lately, this is what I felt. Parang close na. It’s more than just hi, hello.

“At saka nung [una] natatakot ako, hindi na ngayon. Medyo ilag ako, siguro dahil tagahanga niya ako.

“Gandang-ganda ako sa batang ito.”

At halos lahat ng cast members, ganoon din ang pakiramdam kay Marian, pero napatunayan naman nilang mabait siya at hindi intimidating at all.

Sa mga ganoong kuwento, ano ang nararamdaman ni Marian? Naiinis, natatawa, o naa-amuse ba siya na natatakot ang mga ito sa kanya sa umpisa?

“Parang lahat naman ng tao parang kapag bago talaga, ganoon ang nararamdaman nila, so, okay lang.

“Walang ano sa akin iyon. Kaya nga ang sinasabi ko, nakatrabaho mo na ba ko o hindi pa? Kailangan makatrabaho mo ako.”

PROJECT WITH GABBY CONCEPCION

Ang My Guardian Alien na rin ang naging daan para matuloy na sa wakas ang ilang beses ding naudlot na pagtatambal sana nila ni Gabby Concepcion.

Apat na projects na raw na hindi natutuloy, at kabilang dito ang My First Yaya, na napunta kay Sanya Lopez.

Musta naman si Gabby bilang leading man?

“Napakagaan katrabaho ni Kuya, e,” saad ni Marian.

“Parang kumbaga sa pagkain, walang itulak-kabigin sa kanya. Napakabait katrabaho, napakagaan katrabaho. At saka, yung mga moments namin, mahilig siyang mag-joke, e.

“Ginagawa niya talagang light ang mga pagkakataon. At yung mga pagkakataon na naa-appreciate ko siya na pinag-uusapan namin ang mga buhay namin.”

Sabi pa niya, “Kaya nga ang tanong, kung meron ka man gustong magpalit kayo ng one day, ang sabi ko, siya. Kasi, nakita ko kung gaano niya kamahal ang pamilya niya at yun nga ang na-a-appreciate ko sa kanya, napakabuti niyang tao.”

Mapapanood ang prime-time fantasy drama series ng GMA-7 simula sa Abril 1, 2024.