Mariel Padilla reacts to husband Robin Padilla’s accidental exposure

Mariel Padilla reacts to viral video of husband Robin Padilla

Aksidenteng nakita sa live selling ni Mariel Padilla ang private part ng asawa nitong si Senator Robin Padilla.

Sa live selling na ginawa ni Mariel nitong nakaraang September 23, 2023, pinu-promote nila ng asawang si Robin ang isang food supplement na kapwa nila iniendorso.

Makikitang nagtitimpla si Robin ng nasabing food supplement at kanya itong inaalog habang nasa drinking container.

Robin Padilla and Mariel Padilla live-selling

Biglang yumuko si Robin at mapapansing wala siyang suot na underwear sa loob ng kanyang thobe, ang tawag sa Muslim robe na suot niya.

Hindi sinasadyang nakita ang kanyang private part.

Nag-viral agad sa social media ang video clip na ito.

Nakipag-ugnayan ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Mariel tungkol sa pinag-uusapang video ng mister.

Sa pamamagitan ng Facebook messaging, nagpadala ng maiksing pahayag si Mariel tungkol sa viral clip ng asawa nitong gabi ng Lunes, September 25.

Mensahe niya, “I find na hindi naman kailangan pag-usapan. So, hindi na kailangan mag-comment pa.”

Wala pang reaksiyon si Robin ukol dito.

Hindi ito ang unang pagkakataong nakitaan si Robin.

Noong 2011, humingi ng despensa si Robin dahil sa kontrobersiyal na “boxer shorts” na eksena na nakasama sa dokumentaryo ng pag-iibigan nila ni Mariel na inilabas ng ABS-CBN.

May titulo itong Iisang Landas: Ang Kuwentong Pag-Ibig ni Robin at Mariel.