Melai Cantiveros answers critics who accuse husband Jason Francisco of not being a good provider

Nagkuwento si Melai Cantiveros pagdating sa usaping pera sa kanilang mag-asawang si Jason Francisco.

Sinagot din ni Melai ang mga batikos sa kanyang mister, katulad ng pagiging mas busy ng Magandang Buhay co-host pagdating sa trabaho.

Sa madaling salita, iniisyu si Jason pagdating sa pagiging provider dahil mas aktibo ang showbiz career ng misis nitong si Melai.

Melai Cantiveros and Jason Francisco

Sa vlog ni Ogie Diaz nitong November 10, 2023, binigyang-linaw ni Melai ang pagiging “old school” ni Jason, na dapat ang lalaki ang provider sa pamilya.

Nagustuhan daw ni Melai kay Jason na siniseryoso nito ang responsibilidad bilang ama ng tahanan.

Minsan daw sinabi sa kanya ni Jason, “Ang pera mo ay sa iyo, ang pera ko ay sa atin.”

Saad ni Melai, “So, dun ako na-amaze kasi yun din yung time na wala akong trabaho, kasi nga yun ang time na nagbubuntis din ako. Sa GenSan [General Santos City] ako noon.”

Namangha raw si Melai dahil “bigay nang bigay ng pera” noon si Jason.

Banat ni Melai sa detractors ng asawa, “Na-appreciate ba ng mga tao yon? Di ba, hindi naman nila na-appreciate.”

Melai Cantiveros funny housemate to successful comedian-host | ABS-CBN Entertainment

Ang pinupuna raw ngayon ng mga kritiko ay nitong mga panahong hindi ganoon kaaktibo ang showbiz career ni Jason.

Ani Melai, “Pero yung mga moments na ganito na may pinagdadaanan siya, meron pa siyang pinagdadaanan na anxiety, na hindi siya makapagtrabaho…

“Tapos hindi siya makita sa TV, so ibig sabihin wala na siyang kuwentang tao dahil hindi na siya [active]?”

Katuwiran ni Melai, dito na pumapasok ang pagiging mag-asawa nila.

“Kaya nga mag-asawa kasi nga nagtutulungan,” giit niya.

“Ito yung ibig kong sabihin sa mga marites ba na nagsasabi nang masama against sa asawa ko.”

Sa katunayan nga raw, hindi pinapakialaman ni Jason ang finances niya.

Sabi ni Melai, “Kaya ako lang ang nakakaalam sa suweldo ko, kaya ako lang ang nakakaalam—at manager ko—kung ano ang pumapasok sa bank account ko.

“Pero siya [Jason] pag may pera siya, hinuhulog niya sa akin. Tapos ako naman ang magba-budget, kung ano lang ang gusto niyang kunin…”

Banat ni Melai sa bumabatikos sa asawa: “Kailangan ko pa bang sabihin sa mga tao yun? Na ganon ang asawa ko?

“Isa yun sa mga dahilan kung bakit talagang parang, siyempre, nag-i-stay ka sa asawa mo, yung respeto…

“Hanggang ngayon hindi niya alam ang mga TF [talent fee] ko…

“Tanungin mo siya. Wala… talaga… at hindi yan magagalit.”

JASON is old school

At dahil nga old school si Jason, kahit daw noong mga panahong namomroblema ito sa pera ay hindi ito humihingi kay Melai.

Sabi ni Melai, “May time sa buhay namin na parang humina siyang kumita ng pera noon. Mamatay pa siya na humingi, manghingi sa akin.”

Bagamat ibinibigay naman ni Jason ang kanyang pera kay Melai, nag-aalala raw ito kapag papaubos na ito.

“Parang binibilang niya, na parang, ‘Paubos na yung pera ko, e, kawawa naman yung asawa ko.’ E, siyempre, yung pera ko, [sa aming dalawa] din yon,” katuwiran ni Melai.

“Pero siyempre, ako, parang na-amaze ako na sa tagal ng mga ganon, hindi pa talaga yung pera mo, i-share naman natin.”

Sa isip naman daw ni Melai, ang pera niya ay pera nilang mag-asawa.

Ani Melai ukol kay Jason, “Maaaring ma-pride o old school na, ‘Lalaki ako. Ako lahat dito. Walang problema.’”

MELAI DEFENDS HUSBAND

NOON AT NGAYON: Mga litrato ni Momshie Melai na magpapakita ng kanyang kagandahan! | ABS-CBN Entertainment

Sa isang punto, ipinagtanggol ni Melai ang pang-aalipusta sa kanyang asawa.

“Hindi naman ako abnormal na parang makikipag-asawa, na pa-martir ako…

“Kung walang kuwenta iyan, aalis na ako sa buhay, e. Pero siyempre, may mga anak din kami…”

Hindi man daw ipinapakita ni Jason, nakikita ni Melai na apektado rin ito sa bashing.

“Dahil nga may pagka ma-pride. Pero ako nararamdaman ko sa kanya na medyo nasasaktan din siya. Siyempre, pagkatao na niya ang tinitira.”

Sa tagal daw ng pagsasama nila ni Jason ay alam na ni Melai ang weaknesses at strengths ng asawa.

“Ako talaga nasasaktan. Siya naman kinakaya lang niya.

“Pero siyempre, dumadating talaga sa point na hindi ka talaga puwedeng okay lang lagi.

“Minsan nada-down ka talaga. Kaya minsan, kaya siguro isa din yan sa reason kung bakit ayaw na niyang mag-artista…

“Ayaw na rin niyang sabihin yung mga ginagawa niya sa buhay.”

Sinabi rin ni Melai na very transparent ang kanyang asawa, na tila nais ipuntong hirap ang mister sa pagpapaka-showbiz.