Pinaka-mature role na raw ni Michelle Vito ang pagganap bilang single mom sa GMA Telebabad na Lovers/Liars.
Pero binigyan-diin ni Michelle na wala raw siya kahit na kissing scene sa proyektong ito.
“Nag-a-ask sila, parang niloloko nila ko. Pero yun nga po, pini-pitch pa lang sa akin ‘to, ang una ko talagang tinanong, ‘May kissing scene?,'” natawang kuwento ni Michelle.
Isang beses pa lang daw nakagawa si Michelle ng kissing scene, at ito iyong nagkatrabaho sila ni Enzo Pineda sa Nang Ngumiti Ang Langit, na umere mula March-October 2019.
“With Enzo before sa serye, pumayag lang ako na daya. Ang nangyari no’n, tinotoo niya ang kissing scene.
“Ang sabi ko no’n, hindi na talaga ‘ko papayag. Noong time na yon, hindi pa talaga kami ni Enzo.”
Natawang dagdag ni Michelle, “Buti na lang, naging kami.”
Sa ngayon, tila bihira ang katulad ni Michelle na napapanindigan hindi makipag-kissing scene.
Saan nanggagaling ang limitasyon niyang iyon?
“Actually, baka po iniisip ng mga tao na ayaw ko lang makita ng mga taon na nakikipag-halikan ako on screen. Siguro po, hindi ko maisip yung feelings.
“Personally, hindi ko alam, baka conservative, naiilang,” ani Michelle.
Sabay sabi rin niya, “Si Enzo po, payag ako. Kasi, boyfriend ko naman.”
Inamin ni Michelle na posibleng may mga proyektong hindi mapunta sa kanya dahil sa kanyang no-kissing-scene rule.
“Actually, parang nasasabi naman talaga sa akin ng management na nali-limit yung mga offers,” tukoy ni Michelle sa Star Magic, ang talent management arm ng ABS-CBN.
Patuloy niya: “Kasi, hindi maiiwasan na kailangan sa eksena, kailangan sa mga projects.
“Or kasi nga ngayon, iba na, hindi na tulad ng dati. Kasi ngayon—well, hindi naman sa lahat—pero sa mga eksena, kahit simpleng kissing scene…
“But sa akin, siguro merong project na papayag sila na wala talaga.”
Kumpara sa ibang artista, wala raw sa mindset ni Michelle ang gagawin ang lahat para lang sumikat.
“Parang nando’n nga ako sa utak ko na kahit anong mangyari, hindi. Dahil [lang] gusto ko talagang sumikat o maging famous o marating yung mga narating ng iba? Hindi ako yon, e.
“Kung hindi ako happy at hindi ako kumportable, hindi ko tatanggapin.”
Nilinaw ni Michelle na hindi naman daw siya pinagbabawalan ni Enzo.
Natatawang sabi ni Michelle, “Nagugulat siya sa akin kasi siya tumatanggap siya ng bold.
“Nagugulat siya, kasi bilang artista, sinasabi naman na it’s an art. Lalo na kung kailangan sa eksena, professionalism.
“Siguro, iba lang talaga sa akin. Lalo na kapag hindi ako comfortable,” diin ni Michelle.
“So, nagugulat siya, lalo na noong una, noong hindi pa kami, na hindi ako pumapayag.
“Parang iniisip niya na, ‘Bakit ba ayaw pumayag ng babaeng ‘to?’
“Pero, nasanay na siya sa akin. Alam na niya na kapag may project, ang palagi kong unan
ON RELATIONSHIP WITH ENZO PINEDA
Apat na taon nang magkarelasyon sina Michelle, 26, at Enzo, 33.
Napag-uusapan na ba nila ang pagpapakasal?
Sagot ni Michelle, “Nando’n na rin kami sa point na yon.
“And actually, parang detailed na nga. Like, ilang guests, ganito, gano’n. Nando’n na kami sa parang detailed na pinag-uusapan.
“Pero siyempre, hindi pa ngayon.
“Alam naman niya na personally, too young pa talaga ‘ko.”
Sabay natawang hirit ni Michelle, “Baka keri na niya. Matanda na siya.”
Sa kanilang dalawa, mas open daw si Enzo sa usapang kasal.
“Pero ako, sinasabi ko na thirties ko pa kasi gusto. Tapos siya, ‘Anong 30s? Anong pinagsasabi mo?’
“Siya yung naggagano’n sa akin. ‘Sure ka ba?’ Pero nasa point na kami ni Enzo na seryoso talaga.”
Sabi pa ni Michelle, “Siguro ang relationship namin, pareho kaming nasa showbiz, pero yung relationship namin, hindi siya showbiz.
“At saka, ang laki na rin ng foundation ng relationship naming dalawa.”
ON DOING A SERIES IN GMA-7
Nakilala si Michelle bilang artista sa Kapamilya Network.
Pero nilinaw ng dalaga na hindi na bago sa kanya ang paggawa ng serye sa GMA-7 dahil nakagawa na raw siya ng ilang proyekto sa Kapuso Network.
Kaya natuwa raw siya nang malaman niya na collaboration ng Regal Entertainment at GMA-7 ang Lovers/Liars.
“Actually, very, very exciting kasi dati talaga, hindi talaga possible na mangyari. But now kasi, do’n ko na-feel na sobrang open na, puwedeng-pwede talaga,” sabi ni Michelle tungkol sa collabs na nangyayari sa mga TV network at ibang industry players.
“And kahit yung mga reaction ng mga tao, parang hindi pa sila sanay na puwede kang lumabas dito.
“So, akala nila rin, lumipat ako. But, hindi talaga. And I’m very, very happy and thankful.
“Katulad nga ng sabi ko, sa dami ng artists na puwedeng mailagay sa Lovers/Liars, ako pa po ang napili nila