Mika dela Cruz tearfully opens up why she left showbiz: “I wasn’t living.”

“The past four years were the worst years of my life.”

Mika Dela Cruz's Glowing Skin Makeup Tutorial

Kumakalat ngayon sa social media ang madamdaming pagbabahagi ni Mika dela Cruz, 25, kung bakit niya nilisan ang showbiz at ang kanyang mabibigat na pinagdaanan.

Ang huling malaking proyekto ni Mika ay ang Kapuso teleseryeng Kara Mia noong 2019.

Bagamat tapos na ang pandemya, hindi na aktibo ngayon sa showbiz si Mika.

Sa nakalipas palang apat na taon, dumaan sa maraming pagsubok si Mika — tulad ng pagpanaw ng kanyang ama dahil sa COVID-19, na-diagnose siya ng serious conditions, at nagkaroon ng matinding identity crisis.

MOST CHALLEGING YEARS OF HER LIFE

Mika dela Cruz excited about playing the lead in new drama

Nagsalita si Mika sa isang worship event ng isang Christian group sa Antipolo, Rizal, noong November 19, 2023.

Dito ibinunyag ng dalaga ang mga hirap na pinagdaanan niya mula sa pagiging isang child star.

“Tingin ng mga tao masaya, magarbo, madali ang buhay. Hindi naman namin napapakita kung ano yung nangyayari behind it.

“Hindi nila alam na kinalakihan kong hanapin yung identity ko sa mundo, sa ibang tao. This became my source of restlessness. Alam ng pamilya ko yan. I’ve been restless all my life,” sabay bumuhos ang luha ng dalaga.

Pagpapatuloy ni Mika, “Growing up, my mind was restless, my spirit was restless, my physical body was restless. I’ve never talked about this.

“The past four years were the worst years of my life. It was the hardest and lowest point in my life, and nobody knew about it. Eto yung masasabi ko na talagang sumadsad na ako.”

Kahit daw ang mga taong malapit sa kanya ay hindi na alam kung paano siya matutulungan.

Malaking dagok daw sa kanya nang pumanaw ang kanyang ama dahil sa COVID noong July 2020.

Na-diagnose din daw si Mika ng “multiple serious health conditions.”

“Hindi halata, di ba?” may halong biro niyang sabi.

Isa sa mga kondisyong ito ay ang pagkakaroon ng autoimmune disease, na nakuha raw niya mula sa pagkakaroon ng stress sa loob ng maraming taon.

“Bitbit ko yun simula pa nung bata pa ako kaya nag-manifest na siya sa katawan ko. Lumabas na siya. Bumigay na yung katawan.”

Nakaramdam din daw siya ng “major identity crisis.”

Dahil dito, nagdesisyon na siyang iwan ang showbiz.

“Kaya siguro yung iba dito nagtataka, ‘Bakit di ko na siya nakikita? Anong nangyari sa kanya?’ Yun po. Kinailangan kong humingi ng pahinga,” sabi ni Mika.

Pati raw ang pag-aaral niya ay apektado na.

“I also couldn’t continue school anymore kasi my thyroid health affected my brain and my memory.

“Pumapasok ako sa school hindi ko na naiintindihan. Three hours nakikinig ako sa professor, tatanungin ako a simple takeaway from the day’s class, ni wala akong mabanggit. Apektado po lahat sa akin.”

MIKA ON FINDING HEALING AND TRANSFORMATION

Mika dela Cruz wants to focus on vlogging

Himutok daw ni Mika, na-stuck siya “from a place in neverending numbness, grief, stagnation, and despair.”

Sabi niya, “I wasn’t living anymore. I was merely existing. Andiyan na lang ako, inaagos na lang ako.

“Kung ano mangyari, wala na. Wala nang dreams, hopes, love, joy, wala na akong passion natira sa heart ko.”

Nagdasal daw siya sa Panginoon na bigyan siya ng “breakthrough.”

Sabi niya, “Medyo pagod na talaga ako.”

May mga kaibigan daw na humikayat sa kanyang sumali sa Victory Fellowhsip.

Ito raw ng naging daan niya sa “powerful healing and transformation only Jesus Christ can bring in a person’s life.”

Hindi raw niya ito pinagsisisihan dahil napabuti ang kanyang buhay.

“I can confidently say that I finally found my rest. All along, it was in Him,” sabi ni Mika.

Patunay rin daw nito nang ma-clear siya ng doktor sa isa sa “incurable diseases” na na-diagnose siya noong 2015.